Kabanata 39

1.2K 13 0
                                    

Kabanata 39


From: Unknown Number.

Come to my office to sign the marriage contract. Faster.

Napatitig ako sa phone ko. Alam ko naman kung sino ang taong iyon. Pero bakit hanggang sa text pakiramdam ko ang sinusungitan niya ako?

Nagtatampo ako sa kaniya sa ginawang pag iwan niya sa akin sa parke kahapon. Pero na-alala ko na wala pala akong karapatang mag tampo sa kaniya.

Bago pa siya magalit sa akin ay kinuha ko na ang mga damit ko at inilagay lahat sa maleta ko. Dinala ko na rin ang mga gamot ko.

Panay ang buntong hininga ko habang bumababa ng hagdan. Mabuti na lang pala at wala sina Papa Lo rito. Walang nakakaalam sa kanila na ikakasal ako kay Miguel para lang sa farm. P'wera lang kay Daniela, Tita at Kuya Jarrel.

Alam kong hindi mahuhuli si Daniela sa balita. Dahil alam kong may relasyon sila ni Miguel. Pero bakit no'ng inaaya siya ni Tita na mag pakasal na lang kay Miguel ay hindi siya pumayag?

"Saan ka pupunta? " narinig ko ang boses ni Kuya Danilo na nasa harapan ko.

Nag angat ako ng mukha sa kaniya. Nasa maleta ko siya nakatingin habang nakataas nang bahagya ang kilay.

"Aalis ka? At saan ka naman titira? Alam na ba ito ng Kuya mo? "

Sa dami ng tanong niya ay iling lang ang naisagot ko. "Hindi po. Pero may mapagtitirahan naman po ako—"

"Where? " maagap na putol niya na ikinawalang imik ko bigla.

Nag iwas ako ng tingin kaya nanghihinala na ang klase ng tingin niya sa akin.

"Dahil ba sa farm? " tanong niya na ikinagulat ko. Alam niya kasi ang tungkol doon e' samantalang kami-kami lang nina Tita ang nakakaalam. Miski sina Papa Lo ay hindi alam ang tungkol doon.

"Kuya, please. "

Napailing si Kuya at dismayadong nag iwas ng tingin.

"Sa Miguel na iyon 'di ba? "

Tipid akong tumango. Nag iwas siya ng tingin ulit sa akin. "Sasamahan na kita. Ako na ang maghahatid sa iyo sa kaniya. " sabi niya at bago pa man ako makapag salita ay tumalikod na siya.

Kaya itinikom ko na lang ang bibig ko at sumunod sa kaniya.

Tahimik lang kami buong b'yahe pero ang seryoso ni Kuya Danilo habang nagmamaneho at panay ang tiim bagang niya.

Napaiwas ako ng tingin at malungkot na ibinaling ang tingin sa daan.

Hindi ako p'wedeng umatras. Sayang ang pagod ni Daddy sa pagpapatayo ng farm na iyon. At ngayong wala na siya gusto ko na hindi din mag laho ang farm na iyon gaya nang pag panaw niya.

"Sa opisina niya 'ya. "

Hindi sumagot si Kuya pero naging pamilyar naman sa akin ang dinaraanan namin hanggang sa natanaw ko na ang building.

Huminto ang sasakyan ni Kuya Danilo at bago niya ako iniwan ay nag bitiw siya ng salita.

"Mag iingat ka. Nakikita ko namang mahal mo siya, pero huwag mong ubusin ang pagmamahal mo kung ayaw mong maubos. Dapat mong ilugar ang pagmamahal mo, ang payat mo na. " sabi niya at pinaandar na ang sasakyan.

Nakahabol ang tingin ko sa sasakyan niya. Wala sa sarili akong umiwas ng tingin. Pinapaalalahanan niya lang ako kasi naranasan na niya iyon dati.

Humarap ako sa building at laking gulat ko na lang nang makita ko si Miguel na nakatayo sa entrance habang nakabusangot na nakatingin sa akin.

Parang kanina pa niya ako pinagmamasdan.

"Tagal mo, " nakasimangot siya. At halata ring naiinip na siya.

"Sorry... " mahinang sambit ko. Naramdaman ko pa ang pag titig niya sa akin ng matagala na tila ba natigilan sa ginawa ko. Kaya napatingin ako sa kaniya. At kong hindi ako nagkakamali nang makita kong muli ang kislap sa kaniyang mga mata.

Ngunit nawala rin iyon at napalitan ng galit. Parang bumagsak bigla sa isang iglap ang pag-asa na kanina ay namuo sa aking puso. At ang pagbabalik ng sakit na naramdaman ko kahapon.

Tila tinangay ng hangin ang pag asang iyon. At siya namang pag daan ng kirot sa aking puso.

"Let's go, " malamig na saad niya bago ako talikuran. Tahimik naman akong sumunod ngunit alam ko sa aking sarili na malungkot ang aking mga mata.

"Sign the contract, " walang emosyon ang mukhang utos niya habang nakapamulsa at nakatayo sa harapan ko.

Bumagsak ang tingin ko sa kontrata. Nakakalungkot. 'Ykng kasal na gusto ko ay hindi na matutupad.

Tiningnan ko ang black ballpen at dahan-dahang kinuha iyon at saka pinirmahan nang tahimik ang kontrata. At habang ginagawa ko iyon ay hindi ko maiwasang 'di mailang sa klase ng titig niya sa akin.

Tumayo ako nang maayos ng matapos na. Napatingin pa ako sa kaniya ng maramdaman ko ang pag galaw niya dahil umupo siya.

Maingat niyang kinuha ang kontrata at inabala ang sarili. "Doon ka sa apartment ko. Hindi nila puwedeng malaman ang tungkol dito. Ayaw kong iharap sa kanila ang babaeng hindi ko mahal. "

Manhid na siguro ako. Wala na akong maramdaman. Pagod na ako. Simula pa lang, pero 'di ba ganito naman ang taong nag mamahal? Sa una lang ako susuko, hindi sa huli.

Tumango ako. Pagod ako sa b'yahe at gusto ko ng mag pahinga.

"Follow me. "

Sinuyod ko ng tingin ang kabuohan ng apartment niya. Malinis iyon at malaki. Halos nagmamahalan lahat ng gamit. Parang ikaw na lang ang mahihiyang hawakan ang mga iyon.

"Just put your suitcase there. " utos niya sabay nguso sa tabi ng sofa habang nakapamulsa at walang emosyon na nakatingin sa akin.

Nag iwas ako ng tingin ng bumaba ang tingin ko sa bandang dibdib niya na bahagyang nakaawang dahil sa nakabukas ang butones.

Tinungo ko na ang sofa na kung na saan siya. Akmang ihihinto ko na doon ang maleta ko ng hawakan niya ang balikat ko at bigla niya akong niyakap.

Nagulat ako sa ginawa niya. Ngunit halos tumalon ang puso ko sa saya.

Niyakap ko siya pabalik. Akala ko ayon na. 'Yon pala hindi.

"I want you, " paos ang boses na sambit niya at naramdaman ko pa ang bahagya niyang pag halik sa aking leeg.

Napapikit ako. Hindi ko maiwasang 'di mapakagat sa pang-ibaba kong labi dahil sa sakit at pagkabigong nararamdaman ko ngayon.

Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now