Kabanata 2

903 18 1
                                    

Kabanata 2





Ang gwapo pa rin niya kahit galit siya. Unfair.

"Nandito ka na naman, Ms Bilarmino," nakangiting sinabi ng principal sa akin ngunit may bahid ng sarkasmo sa kaniyang tinig.


Napalabi ako at tinignan si Miguel na inirapan ako.

Napanguso ako dahil sa ginawa niya. Sungit!


"Siya po ang nangunguna-"


"As always naman, Ms Bilarmino, " putol niya na ikinawalang imik ko.



"Look marami ka ng mga records sa paaralang ito. Gusto mo bang makita? At para naman mag bagong buhay kana. "



Mabilis akong umiling. Hindi ko kaya. Baka mamaya ay sumakit lang ang ulo ko at saka alam ko naman ang tungkol doon.


"Ay huwag na lang po! Mas pipiliin ko nalang pong tanggapin ang katotohanan na marami akong records kaysa sa makita sila. At paniguradong sasakit lang ang utak ko... " at bahagya pang humina ang boses ko.



Inilagay ni Mrs De Guzman ang kaniyang mga kamay sa table at tinignan si Janella na nakayuko.


"And you, alam mo namang bawal ang mataas ang takong dito, right? " tanong niya kay Janella.



Dahan dahang tumango ang nakayukong si Janella.


"O-opo."


"Kung ganon bakit ka nagsusuot ng ganiyan—"


"Because of me! " putol ko at inangat ko ang aking paa na may sapatos na kagaya ng kay Janella na may takong rin para ipakita sa kaniya.


Napatitig si Mrs De Guzman doon at bahagya pang napaawang ang labi niya.


"Ms Bilarmino. Ibaba mo ang legs mo. I can see your legs from here. At yung palda mo maiksi at makikitaan ka niyan. "



Napatingin ako bigla kay Miguel na ngayon ay walang emosyon ang makikita sa mukha niya, as always naman.



Ngunit salubong ang makakapal niyang mga kilay, na lagi niyang ginagawa kapag naiirita siya.

Habang ang mga kasama naman niya ay isa isang nagsiiwas ng mga tingin nang tignan ko sila.

Dahan dahan kong ibinaba ang aking paa at napalunok ng laway at tinignan ang aking palda.



Sa ibabaw lang naman ng tuhod ang haba ng palda ko. Ayaw ko naman na masyadong mahaba, baka kasi mamaya ay mag mukha akong manang.

Napakamot ako sa batok ko. "S-sorry po... "




Napayuko ako at narinig ko pa ang pag tsk ni Miguel kaya inangat kong muli ang aking ulo at nakita ko ang dismayado niyang mukha habang nakatingin sa akin.

Iiling iiling siyang nag iwas ng tingin habang ako naman ay nakaramdam ng panliliit.

Ganito pala yung feeling na mapahiya ka sa harap ng crush mo? Parang mas gugustuhin ko nalang na maglaho na parang bula para hindi niya ako makita at parang gusto kong ibalik ang oras para mabago ko ang katotohanan na nakipag away ako, para lang hindi ako mapahiya.

"At yung mga sulat sa pinto ng restroom ng mga babae... " sabi ni Mrs De Guzman na tila ay naalala niya ang bagay na iyon.

Napatingin ako sa kaniya dahil doon at napalunok.

Sumandal siya sa swivel chair niya at pagod na bumuntong-hininga at tinignan ako.

"Kasama ka rin sa kanila diba? "

Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon