Wakas

2K 15 10
                                    

Wakas





"Anong ginagawa mo riyan? " tanong ko sa batang babae na nasa i-taas ng puno.

Inosenteng tumingin sa akin ang mga mata nito. "Aabutin ko 'yong ilaw na iyon! " sabi niya sabay turo sa buwan.


Nangunot ang noo ko at napakamot sa ulo ko. She is referring to the moon. Akala ba niya bumbilya ang buwan na iyan dahil lang sa nag liliwanag?

"Hindi iyan bumbilya. Buwan iyan. " sabi ko na ikinasimangot niya.

Pero ang cute niya. Mataba ang pisngi niya at naka braids ang buhok niya na may lasong kulay pula. At nakapantulog siya. At sa tingin ko ay apo siya ni Don Remus, ang matalik na kaibigan ng aking Grandpa Doncillo.

Humakbang siyang muli at bahagayang tumalon para maabot ang buwan. Pero hindi niya naabot ngunit nadulas naman ang isa sa mga paa niya. Kaya dali-dali akong tumakbo sa kinaroroonan niya para saluhin siya.

At ng masalo ko siya ay narinig ko ang munti nitong paghagikhik kaya naman napatingin ako sa kaniya na puno ng pag-aalala.

Damn, this kid. Paano niya nagawang tumawa na halos manganib na ang kaniyang buhay?

Nakangiti siya sa akin. "Ang pogi mo po, kaano-ano ka ng pogi ko lolo? May lahi kapo bang flash? Bilis ko eh, " inosenteng tanong niya sa akin na ikinatigil ng mundo ko habang nakatitig sa kaniyang maamong mukha.

Kahit bata pa lang siya ay hindi maitatago ang kagandahan niya. At hindi na ako magtataka kung paglaki niya ay habulin siya ng mga lalaki.

Nginitian ko ang napakaganda niyang mukha habang dahan-dahan siyang inilalapag sa patag.

Ginulo ko ang kaniyang buhok kaya naman sumimangot siya. "I am Miguel Chase Adrian Suriaga, " sabi ko at hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniyang mukha na tila namamangha habang nakatingala sa akin.

Tinakpan niya ang kaniyang bibig sa gulat. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangisi dahil sa kapilyuhan niyang taglay.

"Isha ka ring shuriaga?! " bulol na tanong niya.

Kagat labi akong tumango. "Chrush na kita kasi Suriaga ka! Kaya kapag magpapakashal tayoh papayag sinah Lolo pogi ko kasih kilala nila ang angkan ng mapapangasawa ko! " nangingislap ang kaniyang mga mata sa tuwa.

Napailing na lamang ako dahil sa mga binitawan niyang salita. Niyuko ko siya bahagya at ginulo ang kaniyang buhok.

Gusto kong panghawakan ang mga katagang iyon. Ngunit masyado pa siyang bata at magbabago rin ang nararamdaman niya. At makakalimutan niya rin ang mga sasabihin niya.

I am three years older than her. I was eight years old, while she was five years old.

And now I'm a college student and she's a senior high student. But I haven't lost my feelings for that girl, who is now grown up. The girl who called the moon light bulb.

"Nandito ka na naman, Ms Bilarmino."

Nasa principal's office na naman siya dahil napaaway siya sa Canteen ng dahil lang sa lalaki.

Umigting ang panga ko sa inis. Bakit ba ang hilig niyang makipag away? At dahil sa lalaki pa talaga?

Hindi ko maiwasang hindi mapaisip na naaalala pa kaya niya ako?

Pero hindi naman lingid sa kaalaman ko na gusto niya ako. Wala na siyang dapat ipag-alala dahil gusto ko rin siya.

"Siya po ang nangunguna... "

Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon