Kabanata 23

615 10 0
                                    

Kabanata 23




Tumigil ako sa pag takbo sa waiting shed ng school namin. Habang hindi pa rin tumitigil ang pag ulan.



Napalabas pa ako ng school kahit hindi pa uwian. At saka wala rin namang guard. At isa pa nagpatianod lang ako sa mga paa ko sa sobrang gulo ng isip ko. At hindi ko na alam kung ano na ang susunod kong gagawin dahil sa emosyon ko ngayon.


"Jennyrose... " mahinang pag tawag sakin ni Miguel na nasa likuran ko.


Natigilan ako at saglit na nanigas. Bakit siya nandito? Bakit niya ako sinundan?


Hindi ko siya pinansin kahit gusto ko siyang lingunin. Nag lakad ako pero hinigit niya ang aking siko na siyang pag bawi ko naman agad.


"Ano bang kailangan mo? " malamig na tanong ko ngunit nanginginig dahil sa lamig.


"Bakit ka nag papaulan? " balik na tanong niya sakin na biglang nag-alala. Parang gusto kong matawa sa tanong niya sa akin. Parang nakaramdam ako ng insulto.


Bahagyang nag salubong ang kilay ko ngunit hindi ako nag salita.


Tumalikod akong muli at naglakad. Nakakatatlong hakbang palang ako nang sumigaw siya.


"Jennyrose, gusto kita! "


Nag pantay ang mga kilay ko at natigilan sa pag hakbang. Hinarap ko si Miguel at nakita ko itong nakaluhod sa basang kalsada dahil sa ulan.



Nanlaki naman ang mga mata ko. Nagulat sa pag-luhod niya. At makikita sa mga mata niya na desidido siya at wala siyang pakialam kahit pa mapahiya siya sa lahat, dahil gagawin niya iyon para sa akin.


At sa taas naman ay nakakarinig ako ng bulong-bulungan ng mga istudyante.


Kaya nag angat ako ng tingin at nakita ko ang sandamak-mak na istudyanteng nanonood sa amin.



Nando'n ang mga pinsan ko. Wala man ang mga nakakabata kong pinsan ay halos kumpleto naman kaming mga matatanda.



Nakatingin sila sa amin lalo na kay Miguel na nakaluhod. Habang si Kuya Jarrel naman ay nakakunot ang noo at nagtiim bagang habang nakatingin kay Miguel nang seryoso.



Napalunok ako at tiningnan muli si Miguel na nakaluhod pa rin.


"T-tumayo k-ka, " nanginginig ang boses na utos ko dahil sa ulan.


Umiling siya at yumuko. "Ayaw ko... Galit ka sakin... " mahinang sabi niya sa nanginginig ding boses niya.


Nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay niya para patayuin siya. Pero nag matigas siya, hindi siya nagpahila sa akin.


Napaiyak naman ako. Kinakabahan ako. Baka dahil sa'kin ay masira ang image niya sa mga istudyanteng humahanga sa kaniya.


"T-tumayo kana, M-miguel. M-mapapahiya k-ka dahil sa akin! " may bahid ng inis na aking sambit.



Umiling siya at tiningala ako. "Bakit ako mahihiya kung luluhod ako sa harapan ng babaeng mahal ko? "


Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Mahal niya ako?



"Hindi mo ako gusto. At mas lalong hindi mo ako mahal, Miguel. Baka pinaglalaruan mo lang ako--"



"Hindi kita pinaglalaruan, Jennyrose. I really really like you, at handa akong ipagsigawan sa lahat kung gaano rin kita ka mahal! Kung alam mo lang at kung hawak mo lang ang puso ko mararamdaman mo kung gaano ito kalakas sa pag pintig sa tuwing malapit ka sakin. Gusto mong patunayan ko na gusto kita? " sabi niya pa at nginitian ako.


Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now