Kabanata 17

591 10 2
                                    

Kabanata 17








Sarap na sarap sa adobo na niluto ni Miguel sina Kuya Leandro pero si Kuya Jarrel ay nanghihinala ang klase ng tingin sakin.



Hindi ko din naman siya masisisi kung ganon siya makatingin sakin, dahil gaya nga nang sabi ko ay hindi ako marunong magluto.



Hindi na ako bumaba, sinamantala ko na din ang pagkakataon na iyon na kumakain sila para umakyat ako sa taas.


Pero kahit umaakyat ako ay ramdam ko ang pag titig sa akin ni Miguel na tila hindi siya sangayon sa desisyon ko.


Hindi ko na siya tinignan muli kasi baka bumaba lang ako. Sinusubukan ko kasi na hindi siya magustuhan, ang hirap kasi eh.


Ang hirap palang magkagusto sa taong hindi ka naman gusto.


Akala ba niya matutulungan na niya ako sa simpleng pag gagamot niya sa sugat ko sa daliri?




Ano akala niya sakin walang kamay? Kaya kong gamutin ang sugat ko. Pero ang puso ko? Hindi yata.


Putah, crush lang iyon pero na-broken hearted na ako kaagad.


Pero crush nga ba talaga iyon? Nitong araw ko lang napagtanto na hindi lang ito basta basta pagkahanga ang nararamdaman ko sa kaniya. Gusto ko si Miguel, gustong gusto.

Pero masakit lang sa part na hindi niya ako gusto.

Nasa kwarto lang ako buong mag damag hanggang sa nakarinig ako ng makina ng sasakyan na papalayo na.


Kaya napag desisyunan kong bumaba para silipin kung nandodoon pa rin ba sila.



Alam ko namang sasakyan nila iyon pero gusto ko lang makasiguro.




Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng aking kwarto pero natigilan din ako nang may makitang bulto ng isang lalaki sa aking harapan.


Katapat din ng aking mukha ang kaniyang dibdib. Dahan dahan akong napalunok at hinayaan ang sarili na tignan ito paakyat sa kaniyang mukha.


At nang magawa ko na iyon ay una kong nasalubong ay ang seryoso nitong mga mata ngunit madiin.


Napaawang ang labi ko. "Miguel... " bulaslas ko.



Nakita ko pa ang bahagyang pag galaw ng kaniyang panga tanda na galit ito.



At dahil doon kaya ako napalunok.



Nang matauhan ako ay akmang isasara ko na sana ang pinto nang itulak niya iyon para pigilan na hindi tuluyang masara, at matapos non ay binuksan niyang tuluyan ang pinto.



Dahil sa gulat ko ay napaatras ako at hindi nakaapila sa pag pasok niya bigla sa loob ng aking kwarto.




Lumunok ako ng laway upang mabasa naman ang nanunuyo kong lalamunan.



"A-anong ginagawa mo dito? " halos pa anas ko nalamang na tanong sa kaniya.


Tiningnan ako nang nakakalasing nitong mga mata kahit na nakikita sa mga iyon ang inis.



"Sabi ko gagamutin ko iyang sagot mo, di'ba? " puno ng iritasyon niyang tanong at inangat sa ere ang first aid kit kaya sumunod ang tingin ko roon.


Umawang ang labi ko at naibalik din sa kaniya ang tingin ng mag simula siyang maglakad palapit sa akin.



Aatras na sana ako nang mahuli niya ang aking kamay.



Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن