Kabanata 12

596 12 0
                                    

Kabanata 12





Nag simula na ang laban para sa sayaw kaya kabang kaba ang mga kasama ko, maliban doon ay kami na ang susunod na mag pe-perform.

Hindi naman ako dinadalaw ng kaba dahil wala akong gana. Nakasimangot ako at tahimik na pinapanuod silang nagdadasal.



"Mag ready na kayo. Tayo na ang susunod! Kaya natin ‘to guys, " sabi sa amin ni Kuya Bats at pagpapagaan na rin ng loob sa karamihan sa amin.


Gaya nga ng sinabi ni Kuya Bats ay kami na ang sumunod kaya nag ayos na kami at hinanda namin ang aming mga sarili.



Pero bago ako umakyat sa stage kasabay nila ay humugot muna ako ng isang malalim na buntong-hininga.


Hindi dapat ako magpaapekto sa nangyari. Kailangan kong magising sa katotohanan, dahil hindi mapapanatag ang loob ko kung ako ang dahilan ng aming pagkatalo.



Kaya ibinuhos ko ang kumpiyansa ko sa stage habang nag sasayaw. At ang aking isipan ay nakatuon lang sa iisang tao.




Tao na siyang dahilan kung bakit nasasaktan ako ngayon.



Nakatayo siya malapit sa stage at seryosong nakatingin sa akin. Nakipagtitigan din ako sa kaniya at naramdaman ko nalang bigla ang kabog ng aking dibdib.



Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at ibinigay iyon kay Sandro na seryosong nakatingin sa akin.


Saglit akong natigilan. Dahil alam kong nakita niya iyon.


Mariin niyang hinawakan ang aking kamay kaya napatingin ako sa kaniyang mga mata.



"Sa akin ka lang titingin... "


Tuluyan na akong natigilan dahil sa sinabi niya at pumungay ang mga mata.



Dahan dahan akong nagbaba ng tingin sa kaniyang mga labi ng mapansing unti-unting umaangat ang mga iyon.


Ngumiti siya... Pinapangiti niya ako...



Para akong natigilan dahil sa kaniyang ngiti at bigla akong napatingin sa kaniyang mga mata.



Punong puno iyon ng emosyon, mga emosyon na hindi ko matukoy-tukoy. "Hayaan mo siya... " aniya bago binitawan ang aking kamay at lumipat ng ibang puwesto.



Ganon din ang ginawa ko. At habang nag sasayaw ako sa gitna kasama sila ay doon na ako dinalaw ng kaba.





Hindi ako makapag sayaw ng maayos dahil sa klase ng titig niya sa akin.


Hinawakan pa ni Sandro ng mahigpit ang aking kamay habang umaakyat ako paupo sa kaniyang balikat. Iyon din ang naging dahilan kung bakit ako napatingin sa kaniya.

Tinanguan niya ako at nginitian kaya napangiti din ako. Parang lumambot ang puso ko, sinusubukan niyang ibalik 'yung confident ko.


Tumango ako at buong kumpiyansang inangat ang aking mukha sa madla at binigyan sila ng isang matamis na ngiti.


Nakita ko pa ang pag ngiti ng karamihan sa kanila dahil sa aking pag ngiti.



Nagising nalang ang diwa ko nang marinig ko ang pagpalakpak nila.



Matapos ang pag sasayaw namin ay sinalubong naman kami ni Kuya Bats at sa akin siya unang tumingin.



"Ang ganda mo sa stage, Jennyrose! Para kang isang d'yosa! " tuwang tuwang sinabi nito.


Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon