Kabanata 22

655 8 1
                                    

Kabanata 22







He likes me too.


'Di ba dapat maging masaya ako? Pero bakit nalulungkot ako?

Bakit iniiwasan niya ako?


Nahihiya ba siya? Naiilang? Pero gaya ng dati. Malamig pa rin ang emosyon na ipinapakita niya.


Bakit gano'n? Niloloko ba niya ako? Pinapaasa ba niya ako?

Ang daming katanungan sa isip ko pero wala akong masagot ni kahit isa sa mga iyon.

Nakatitig lang ako sa papalayo niyang katawan na unti unting lumiliit sa paningin ko. Kasama niya ang ex niya at mga kaklase niya. Kahit kaunting pag sulyap sa'kin kanina nang makasalubong niya ako ay hindi niya ginawa.


Parang sumikip ang paligid ko at para akong mauubusan ng hininga. Nakakatampo, nakakasakit. Nakakabigat ng damdamin. Nakakawarak ng puso.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Baka atakihin pa ako nito ng wala sa oras.

Dahan-dahan akong tumalikod. Nakayuko at may tampong na namumuo sa dibdib.


Bakit kasi ang hilig niyang mag bigay ng mixed signals?! Pinapaasa nga niya ako siguro. Baka nga...



Pero bakit kailangan niya pang gawin yon? PINAPASA KA NGA DIBA!

Sigaw ng isip ko. Pero nasasaktan ang damdamin ko.

Ang bad naman niya. Sinasaktan niya ako. Dahil ba sa gusto ko siya? Trip ba niya ako? Laruan lang ba ako sa paningin niya?

Marahan akong umiling at sa bawat hakbang ko ay naroroon ang panghihina. Nanlulumo.

Tinignan ko ang mukha ko sa salamin ng restroom. Mukha akong pinagbagsakan ng langit at lupa.


Napabuntong-hininga ako ulit at maliit na nginitian ang sarili. Bakit ba ako nakakaramdam ng pang hihinayang kung para sa kaniya ay laro lang ang pag amin niya?

Hindi dapat ako magpaapekto. Hindi ko dapat ipakita sa kaniya na nasaktan ako sa ginawa niya. Hindi p'wede na mag emote lang ako dito.


Umayos ako ng tindig at nilabas ang make up ko sa bag ko. Ngumiwi ako dahil wala man lang akong nakitang ni isang mga notebook sa loob ng bag ko. Isang intermediate pad lang at isang black ballpen. The rest ay puro make up ko at baby wipes.



Wala naman akong balak na bumagsak. Pero nakakatamad kayang mag sulat. Ang bigat din sa likod kapag may notebook kang dala.


Humarap ako sa salamin at sinimulan ng mag make up. Nagustuhan ko lang siya napabayaan ko na ang kinagawian ko. Ang daming nag bago sakin.

Marami akong crush. Naging crush ko rin si Adonis kaso mukhang may gusto siya kay Ate Miriam. Kaya bounce. Naging crush ko din si Kuya Dante kaso mukha siyang babaero kaya bounce. Marami akong naging crush. Pero sa dami ng mga naging crush ko ay si Miguel lang ang naging crush ko ng mga tatlong taon. Minsan nga napapaisip ako na. Crush paba talaga yung nararamdaman ko, o iba na.


Marahan akong umiling. Lumabas ako ng restroom na parang hindi ako naging emotera kanina.


Nakatingin pa sakin ang mga istudyanteng nakakasalubong ko. Tinatahak ko lang naman ang daan papuntang canteen dahil nag hihintay doon ang mga pinsan ko. Tumakas pa sila para makasabay kami sa pagkain.


Nasa malayo palang ako ay nakita ko kung paano batukan ni Kuya Leandro si Kuya Rainillo na akmang kukuha ng sandwich na mukhang itatakbo pa niya.

"Alam kong gutom kana wag naman ganiyan insan. "


Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon