Kabanata 27

608 9 2
                                    

Kabanata 27





Nakabalik na ng mansyon si Faith pero tila balisa ito. Umiiyak siya kay Ate Miriam at paulit ulit na humihingi ng tawad.

Kasabay din ng pag uwi niya ay ang pag sugod ni Kuya Abraham sa aming hacienda para makausap si Faith. Pero hindi nagpakita si Faith. At hindi lang iyon, dahil nasugatan si Adonis dahil sinalo niya ang patalim na sana ay ang nakatatands niyang kapatid ang sasalo.

Halos hindi ako makagalaw. Paano nila nagagawang manakit ng mga tao? Ito ba talaga kami?

Ilang araw akong hindi pinatahimik ng eksenang iyon.

"Mommy... "

Inipit nito ang buhok patungo sa aking tainga.

"Boyfriend mo na raw si Miguel? "

Hindi naman siya galit. Nakangiti pa siya at napaka lambing pa ng kaniyang boses pero kumabog ang dibdib ko sa kaba.

"S-sorry po, M-mommy!" biglang pag hingi ko ng tawad.

Hinawakan ni Mommy ang braso ko at masuyo iyong hinagod. "Look at me, " mahinahong utos niya kaya tumingin ako sa kaniyang mga mata.

Nang mag tama ang aming mga paningin ay nginitian niya ako. Hinawakan niya ang pisngi ko at masuyo iyong hinaplos.

"Hindi naman ako magagalit kung iyan ang kasiyahan mo, anak. Nandito lang si Mommy, susuportahan ka ni Mommy, okay? " malambing na wika niya at hinalikan ako sa noo.




Napangiti ako at niyakap siya. Masaya ako dahil pinagkalooban ako ng d'yos ng isang mabuting ina.

Hindi pala talaga madali ang pumasok sa isang seryosong relasyon.

Akala ko dati madali lang. 'Yun pala hindi.

Hindi naman siya mahigpit. Hindi rin gaanong seloso. Ang gusto ko inaunder ako e'. Lalo na kapag siya yung mag a-under sakin.

"Baka di ka talaga mahal? " pag ooverthink sa akin ni Janella kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Tumaas ang dalawang kilay niya dahil sa ginawa ko at nataw. "Biro lang naman eh, pero what if? Kasi di ba kapag mahal mo ang isang tao mag seselos ka? Diba nararanasan mo din yon? " tanong sa akin ni Janella at painosenteng umiwas ng tingin.

Natigilan naman ako. Oo nga naman. Nag seselos din ako e, pero bakit siya hindi?

"Kayo na pala ni Miguel dream boy mo, " pag puna ni Janella at humagikhik.

Kagat labing tumango ako. Bigla akong kinilig. Parang dati hanggang tingin lang ako sa kaniya tapos ngayon boyfriend ko na siya.

"Gusto mo kurutin kita para magising ka? " natatawang sabi niya pa.

Umiling ako habang natatawa. "Syempre hindi, ayaw ko nga. "

Napailing nalang siya dahil sa sinabi ko. Natahimik din kami. Naiisip ko pa rin yung sinabi ni Janella. Hanggang sa lagi ko nang iniisip iyon. So ito pala ang overthink?

Ang gulo sa bahay. Nakakairita ang mga sigawan nila. Bawal din kaming lumabas kaya tumakas na lang ako. Nag higpit sina Papa Lo dahil bigla nalang nawala si Ate Miriam.


Wala akong ibang mapupuntahan kaya naman ay pumunta ako kayna Miguel.



Pagkakakita pa lang sa akin ng guard nila ay pinag buksan ako nito kaagad ng gate.

"Pasok po, Ma'am. Nasa loob po si Sir!"

Tahimik ang buong mansyon. Pero di naman ako nahirapang hanapin si Miguel. Nasa kusina siya, sa katunayan nga ay kalalabas pa lang niya nung lumabas siya sa kusina. Basa ang magulo nitong buhok at nakasando lang siya kaya nakita ko kung gaano kaperpekto ang kaniyang katawan. Naamoy ko rin ang mabango nitong pabango na hindi nakakasawang amoyin.


Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now