Kabanata 40

1.4K 12 0
                                    

Kabanata 40








Sa bawat galaw niya ay puro karahasan. Walang pag iingat. At sa buong mag damag na iyon ay wala akong ginawa kundi ang tahimik na umiyak.



Masakit ang ibaba ko. Alam kong alam niya iyon. Ngunit imbes na maging maingat, mas naging marahas siya. Parang gusto niyang nasasaktan niya ako.



Pilit ko siyang itinutulak ng maramdaman kong malapit na niyang makamit ang kasukdulan.



"Ahh.. M-miguel. T-tama n-na, " pagmamakaawa ko habang umiiyak.



Buong p'wersa ko siyang itinulak. Sinuntok ko pa ang dibdib niya sanhi ng paglayo niya sa akin habang walang emosyon na nakatingin sa akin.



"Useless, " dismayado ang boses na bitiw niya bago ako iwan sa sofa upang umakyat sa k'warto.




Umiiyak akong napayakap sa hubad kong katawan. Nakaramdam ako ng panliliit sa sarili dahil sa ginawa niyang pag iwan sa akin.


Nasasaktan din ang pusong nagbaba ako ng tingin sa sofa na kung na saan ang dugo. Senyales na siya ang nakauna sa akin.



Mas lumakas ang hagulgol ko ng sumagi sa isip ko ang karahasan niya kanina. Wala na talagang pagmamahal. Walang-wala na talaga.




Hindi pa rin ako maaring magka-anak dahil baka bumalik ang sakit ko. Ito ang pinili kong sitwasyon, kaya wala akong karapatang umayaw o makaramdam man lang ng pagsisisi.




Kahit masakit ang ibaba ko at nangangatog ang mga tuhod ko ay pinilit kong tumayo upang ipagluto siya.


At sa mga panahong iyon ay tinulungan ko ang aking sarili na mag luto.


Sa bawat lakad at galaw ko sa kusina ay ang pag higpit ng kapit ko dahil sa tuwing humahakbang ako ay sumasakit ang kaselanan ko.





Napatukod ako sa gas range at hindi ko alam na may apoy pala iyon kaya napaso ako. Maagap akong napaatras at maluha-luhang lumapit sa gripo para mahugasan ng malamig na tubig ang napaso kong kamay. Napapikit pa ako ng kumirot ang aking pang-ibaba, at bigla ay gusto kong mapaluhod sa sakit na nararamdaman ko ngayon.



Pero kailangan kong iwaksi iyon. Dahil baka masunog ang niluluto ko.


Pikit mata ang palagi kong ginagawa sa tuwing humahakbang ako. Ako na rin ang nag lagay ng mga kakainin namin sa hapag. Nag lagay na rin ako ng tubig sa pitsel niyang mamahalin. Pagkatapos ay kinuha ko ang sheet sa sofa para palitan at labhan.



Tumigil lang ako sa pag hakbang nang makitang pababa si Miguel. Seryoso itong bumaba ng hagdanan. Nagtama pa ang aming mga mata.


Hindi ako umiwas ng tingin. Ngunit nginitian ko siya.


"Nakahanda na ang pagkain—" ngumiwi ako dahil sa pag kirot na naman ng ibaba ko.



Napansin iyon ni Miguel kaya nakita ko ang pagkunot ng noo niya.



"Take a rest, " pormal na sagot niya habang nakapamulsa. Ang mga mata niya ay nasa lamesa.




Marahil ay nakita na niya ang mga hinanda kong pagkain.



Umiling ako at iika-ikang lumakad sa tabi niya para sana ilagay doon ang sheet ng sofa ng hawakan niya ang siko ko kaya napatigil ako sa paglakad.



Seryoso siyang nakatingin sa akin at bahagya pang salubong ang kaniyang kilay. Pero kahit gano'n pa man ay hindi nabawasan ang kaniyang kaguwapuhan. Mas lalo lamang itong nadagdagan.



Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon