Kabanata 36

1K 10 0
                                    

Kabanata 36





"Oh, ito na ang kabayo mo. Mag ingat ka sa daan. " sabi ni Kuya at inabot sa akin ang tali ng kabayo.

Tumango ako at nag pasalamat sa kaniya. Lutang pa rin ako. Sumasagi pa rin sa isip ko yung mga sinabi ni Kuya Danilo sa akin kanina.


May minahal siya pero hindi ko alam. At sino naman iyon? At bakit na damay ang mga Bilarmino?

Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at inenjoy ang view na sakop ng mga mata ko.

Napapikit ako at ngumiti. Walang nag bago sa lugar na'to. Maganda pa rin at hindi nakakasawang pagmasdan ang mga burol sa malapitan at ang malamig na hangin. Nalalanghap ko pa ang amoy ng mga mais at naririnig ko ang ragasa ng tubig sa paliguan namin. Na parang niyog ang itsura at malinis din ang tubig niyon at mainit. Kaya tawag din namin doon ay Bilarmino's hot spring. Kami-kami lang ang nakakaligo doon.

Natatandaan ko pa dati na palagi kaming tumatambay doon at doon nagkatagpo ang Kuya Jarrel ko at Ate Vivoree. Kasama sina Kuya Abraham at Kuya Adonis. Alam ko na hindi lang iyon ang una nilang tagpo dahil sa kung paano tumingin si Ate Vivoree sa Kuya ko.

Natatandaan ko pa dati na napakalamig ng pakikitungo ni Kuya kay Ate kasi ayaw niya na masaktan si Vivoree. Pero lalo lang siyang nahuhulog habang nagiging malamig ang pakikitungo niya sa babae.

Natatandaan ko pa dati na umiyak siya sa akin nilalabas niya ang hinanakit niya. At hindi ko alam kung anong hinanakit iyon. Basta ko nalang siyang inalo, at ngayon. Naisip ko na baka si Ate Vivoree ang dahilan kung bakit umiyak na lang bigla si Kuya sa akin na parang bata.


Maraming naging babae si Kuya. Wala siyang sineryoso sa mga iyon o iniyakan man lang. Sumagi bigla sa isip ko si Ate Coralyn o Cora ang ex ni Kuya. Sinisigurado ko rin noong mga panahon na iyon ay gusto pa ni Kuya ang babaeng iyon. At magkaklase pa sila. At alam kong kaklase din niya si Ate Vivoree pati ex niya edi nagkakakita sila noon at alam kong nasasaktan si Ate Vivoree.

At alam kong maslalo siyang nasaktan nang mag hiwalay sila ni Kuya ng dahil sa akin.

Marami akong na sagabal dahil sa sakit ko. Nawala si Mommy at si Daddy tapos nag hiwalay pa si Kuya Jarrel at Ate Vivoree. At ngayon alam kong mahihirapan si Kuya na suyuin si Ate.

Naawa ako sa kaniya maging sa aking sarili. Wala sa sarili akong napahawak sa aking pulsuhan na kung saan maraming bracelet doon. Tinatago ko kasi yung peklat ko sa pulsuhan. Ayaw ko silang mag alala sa akin.

Habang nasa Amerika kami I almost lost myself. Tumatakbo lang no'n sa isip ko ay ang mawala na lang sa mundo. Pakiramdam ko malas ako. Pero hinahanap ng katawan ko ang presensiya niya. Pero natandaan ko na tinaboy ko pala siya. Kaya wala akong karapatang hanapin siya. Dahil una palang ay tinaboy ko na siya at ako ang may kasalanan kaya bakit hinahanap ko pa siya?


Isang busina ng sasakyan ang nagpagising sa akin sa huwisyo lalo na ng humiyaw ang aking kabayo at bahagya pa itong tumayo. Dahil sa gulat ay nabitawan ko ang tali at nahulog ako mula sa kabayo. At nasalo ako ng putik.


Ngumiwi ako at hindi ininda ang pandidiri sa putik kundi sa masakit kong pang upo. Naramdaman ko pa ang pag hapdi ng kamay ko dahil napatukod pala ako sa matulis na bato.

Napasinghap ako nang lalo siyang sumasakit kapag gumagalaw ako. Pakiramdam ko nabalian ako ng buto.



Narinig ko ang pag bukas at sara ng pinto ng sasakyan ngunit wala doon ang buong atensyon ko. Kundi sa boses nito.

Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now