Kabanata 25

710 10 0
                                    

Kabanata 25







"Nag tanan sina Abraham at Faith. "


Ito na yata ang balitang ikinabigla namin ng sobra. Si Faith at Abraham? Sila? Paano? Eh ni halos hindi namin sila nakikitang nag uusap o kahit tinginan man lang kahit pa palagi naming nakakasama si Abraham sa mga galaan.

Hindi kaya ay itinago nila ang relasyon nilang dalawa sa aming lahat? Dahil sa ginawa nila ay nagalit nang husto sina Tito Luke at ang nakatatanda nitong kapatid na si Kuya Cedrix. Muntik pang magkapatayan.


At dahil sa wala si Abraham ay kay Adonis ibinuhos ang galit ng aking tiyuhin at ng aking pinsan. Kaya ito siya ngayon. Hawak-hawak ni Tito sa kuwelyo.


Nakakatakot sila, pero ang mas nakakatakot ay si Tito kasi siya ang ama ni Faith. Miski ako kapag nangyari ito sa anak ko ay mag-aalala ako at makakaramdam ng takot kasi hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa anak ko. At wala pa akong kaalam-alam na nakipagtanan pa siya. At mas lalo akong mag-aalala dahil hindi ko kilala ang lalaking katanan ng anak ko.




Pero mabuting tao si Abraham. Hindi siya nananakit at magalang, gentleman sa lahat. Lalo na sa mga babae, dahil mahal niya ang ina niya kaya iginagalang niya ang lahat ng babae.


Pero na aamaze ako kay Faith kasi kahit natatakot siya sa father niya ay lumaban pa rin siya. Napakatatag niya.

At nag aalala ako para kay Adonis. Dahil kilala ko sina Tito, at isa pa ay nag iisang babae nilang anak si Faith. At ang pinaka mahirap pa ay walang kaya sina Abraham at walang tiwala si Tito Luke sa lalaking iyon dahil iniisip nila ang makakain ng anak nila dahil walang sapat na pera sina Abraham. At dahil sa kahirapan ay hindinila na bigyan ng pagkakataon upang makakita ang anak nilang pangalawang panganay na si Ate Maria.



Napasinghap pa kami nang mag labas si Kuya Cedrix ng patalim. Isa-isa kaming pinigilan siya. Ibubuka ko palang sana ang bibig ko ng biglang tumakbo si Ate Miriam at hinarang ang katawan kay Adonis.

Kaya mas lalo kaming napasinghap dahil manganganib pa ang buhay niya kung maisasaksak na sa kaniya 'yung patalim.


Narinig ko pa na tinawag siya ni Tito Luke pero umiling lang si Ate Miriam.



Hindi lang si Tito ang pumigil sa kaniya. Si Tita Maureen din na halata ang galit sa boses.


Ngunit wala ni isa sa amin ang pinakinggan ni Ate Miriam.


"K-kahit na! Wala r-rin po siyang alam kaya h-huwag niyo po siyang sasaktan! Kahit man po mahirap lang siya ay may karapatan pa rin siyang lumaban! " umiiyak na ito na ikinagulat namin. Biglang pumaos ang boses niya dahil sa pag-iyak.

Nagtaka kaming lahat at nagulat sa ginawa niya. Dahil bakit siya umiiyak?

Ayaw ko mang bigyan ng malisya ang ginawa niya ngunit kung may namamagitan man sa kanila ay mas lalong delikado iyon.


"Bakit, Miriam. May gusto kaba sa kaniya? " mapanghamong tanong ni Tita kay Ate.


Natahimik kami at nag hintay sa magiging sagot niya.



Nakatitig siya kay Adonis. Gano'n din ang ginagawa nito. Pero kung may nakakita man sa emosyon na nasa kanilang dalawa ay ako. Ramdam kong mahal nila ang isa't-isa. Kaya siya nasa harapan ni Adonis upang ipaglaban si Adonis mula sa kaniya. At kahit nasa likod si Adonis ni Ate Miriam ay ramdam kong gustong-gusto niya na sa kanilang dalawa ni Ate ay siya ang pro-protekta kay Ate.


Maya-maya lang ay dahan-dahang umiling si Ate Miriam.



Nakita ko pang napaayos ng angat ng ulo si Tita.




"Hindi... "


Para sa kapakanan itatanggi ang lahat...



"You okay? " tanong sa akin ni Miguel at inabutan ako ng gatas.



Tiningnan ko ang gatas na inaabot niya sa akin. Ngumuso ako. "I don't like milk, " nakangusong sabi ko.

Pinagtaasan niya ako ng kilay at naupo sa upuan ng canteen na nasa tabi ko at kinuha ang kamay ko at nilagay ang baso ng milk doon.


"You should drink milk. Pampatalino 'yan. "

Inirapan ko siya.

"Sinasabi mo bang bobo ako? " tanong ko at pinaningkitan siya ng mata.

Umiling siya agad. "Wala akong sinasabi, " sabi niya at nagkibit balikat sa huli.

Ngumuso ako at walang nagawa kundi ang inumin ang gatas na binili niya sa akin.



"You still don't answer my question, " ulit niya.

Dahil doon kaya napatigil ako sa pag inom ng gatas.

"Hindi. Ang gulo sa bahay e. Panay sigawan, " pag amin ko. Dahil totoo naman. Simula kasi ng makipagtanan si Faith kay Abraham ay panay na sigawan ang naririnig ko. Tapos tumakas pa si Ate Miriam nung malaman niyang ikakasal siya kay Dante.



Ang gulo sa bahay. Parang 'di ka makakatulog ng maayos.

Mas lalo pang gumulo nung umuwi si Faith at sumugod si Abraham sa amin.


May malambot na kamay ang humawak sa aking kamay kaya nagising ang diwa ko. Tiningnan ko ang nagmamay ari ng kamay na iyon.

Nakasalubong ko laagad ang kaakit akit na mga mata ni Miguel. Nakangiti siya. Kaya nagkukumabog na naman ang aking dibdib.

"I'm here... I can be your rest. "



Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Napaiwas naman siya ng tingin kaya marahan akong natawa. Gano'n siya lagi kapag ngini-ngitian ko siya.


"Bakit ba lagi kang umiiwas kapag ngini-ngitian kita pabalik? " kunwari pa ay nag tatampong sabi ko.


"Nawawala ako sa ulirat kapag ngini-ngitian mo'ko, " walang paligoy ligoy na sagot niya na ikinatigil ko.

Hindi ko inaasahan iyon.



Pakiramdam ko tuloy na mumula na ang magkabilang pisngi ko.



Nagulat nalang ako nang marahan niyang pisilin ang aking pisngi at mahinang natawa. "You look pretty especially when your cheeks are red."

"B-binobola mo lang ako e, " nautal pang saad ko dahil sa hiya.


Wala silang teacher kaya tumakas siya sa room nila para lang masabayan akong kumain sa recess.




Marahan siyang humiling at tila isang hari na sumandal sa upuan. "No, I'm not. Maganda ka talaga. "

Oh gosh. This man. I can feel the butterflies in my stomach again. O lagi ko talagang nararamdaman.

Kapag nagiging ganiyan siya di ko maiwasang di kiligin. Minsan sa sobrang kilig ko gusto ko nalang mag dabog o kaya ibaliktad lahat ng nakikita ko.


Di ko maiwasang di matawa. Ngunit gaya ng isang hangin ay mabilis na nawala ang kasiyahang iyon.

Naisip ko bigla ang sakit ko.


Paano na ito? Bakit ngayon pa?


"Sayo nalang oh. " inabutan ko ng cookies ang batang pulubi.



Hindi ko din naman na kasi iyon makakain kaya binibigay ko nalang.

Hindi ko kasabay umuwi si Miguel kasi umiba na siya ng daan.


Napangiti ako habang pinagmamasdan ang bata na masayang tinggap ang bigay ko.




"Binibigay mo pala sa mga batang pulubi ang bigay sayo ni Miguel. Tsk, nakakaawa naman ang ex ko. "


Napatingin ako sa nag salita. Laking gulat ko nang mamukhaan ko ito.

"Jenna... "


Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now