Kabanata 14

658 11 0
                                    

Kabanata 14











"Sa papel ang tingin, huwag sakin. "


Nagising ang naglalakbay kong diwa nang marinig ang naninitang boses ni Miguel.



Napaiwas na din ako ng tingin sa mukha niya at ibinaba ko ang tingin sa papel.




Naramdaman ko pa ang pag sandal ni Miguel sa upuan at ang pagbuntong-hininga nito ng malalim.


Pasimple naman akong napapikit nang mariin. Bakit ba kasi ang guwapo niya?!



"Try to find the value of x and the value of y that's your punishment. " masungit niyang sinabi na ikinatigil ko.


Napatingin ako sa kaniya bigla. "Eh? Agad agad?! Eh hindi kapa nga nag sisimula eh! " protesta ko.



Tinaasan niya ako ng kilay at bigla niyang pinitik ang aking noo kaya nasapo ko iyon at bahagyang napalayo sa kaniya.


"I already started. Sadyang nasa mukha ko lang ang buong atensyon mo. " pagsasabi niya ng katotohanan at inirapan ako.

Napaiwas ako ng tingin at bumagsak ang tingin sa papel.


Kagat labing kinuha ko ang ballpen at walang hinga-hingang sinolve ito.



Dahil wala talaga akong alam.



Panay pa ako bura dahil sa nagkakamali ako kung saan sila ilalagay. O sadyang hindi ko lang talaga alam kung saan.



At nang matapos na ako ay ipinakita ko iyon kay Miguel na nayayamot na tinignan ang papel ko.



Tumaas ng bahagya ang kaniyang kilay. "Wrong, " he declared.



Bumagsak ang magkabila kong balikat dahil doon.


"Huh? Paanong mali?! "


Malamig niya akong tinignan. "Nakakalimutan mo kasi ang negative sign. " aniya.

Napatingin ako sa papel ko dahil doon at tama nga siya.


"At nalilito ka kapag positive positive and negative negative, " he added.


Napakamot ako sa pisngi ko. Narinig ko na naman ang pagbuntong-hininga nito ng malalim.



Kaya tinignan ko siya. "Makinig ka kasi sakin, Jennyrose. Huwag kasi panay ang tititig sa akin. " aniya na ikinapula ng magkabilang pisngi ko.


Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at kumaha ng cookies.



"Ang hirap kaya! " reklamo ko habang salubong ang kilay.


Pinanliitan niya ako ng mata.



"Don't say that. Just try to solve. Wala namang masama kung sumubok ka nang sumubok. " aniya.


"Dahil kapag pinagpatuloy mo ang kakasabi niyan ay mahihirapan ka talaga, " dagdag niya.


Nag iwas ako ng tingin at dahan-dahang tumango.


Pero bago ko simulan ang pagso-solve ulit ng problem ay itinali ko muna ang mahaba kong buhok ng paponytail. Para walang buhok na humaharang sa paningin ko habang nagsosolve.


Matapos non ay sinimulan ko na ang pagso-solve habang kumakagat sa cookies ko.

Sweets are good for person who's studying. Ito ang ginagawa ko kapag nag aaral ako, pakiramdam ko ay gumagana ang utak ko. Pero ang totoo niyan ay gutom lang talaga ako.


Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now