Kabanata 10

766 15 1
                                    

Kabanata 10




"It's still a no for me. " disidido na talagang sagot ni Miguel sa akin na ikinabagsak ng magkabilang balikat ko.

Napakamot ako sa aking pisngi at pinag-igihan ang pagmamakaawa sa kaniya.

"Miguel, sige na! Ayaw ko talagang bumagsak kasi kapag bumagsak ako ay ipupunta ako nina Mommy sa america para pag aralin! "

Kinunutan lang niya ako ng noo at hindi pinansin dahil kinatok kami ng kasambahay nila.

"Senyorito bumaba na daw po kayo sa dining area sabi po ni Don! "

"Okay. Pakisabi nalang kay Dy na papunta na kami! " sagot naman ni Miguel at matapos non ay tinignan niya akong muli lalo na ng hindi na sumagot yung kasambahay.

"Tara na. " aya niya sakin at naglakad na palabas ng kaniyang silid.

Sinundan ko naman siya, hanggang sa pagbaba namin ay kinukumbinsi ko pa rin siya.

Sinilip ko siya. "Miguel, please help me. Ayaw ko pumunta sa amerika..." humina ang boses ko.

Unti unting tumigil sa paglalakad si Miguel at hinarap ako kaya napaayos ako ng tayo.

Tinitigan ako ng mga mata niyang walang emosyon.

"Bakit ayaw mo sa amerika? " malamig na kalmadong tanong niya.

Bumuntong-hininga ako. Ang dami naman niyang tanong, eh hindi ko din naman masasagot dahil pribado ang lahat ng ito.

"Kasi boring doon... " halos pa anas kong sinabi. Hindi din ako nagsisinungaling, dahil totoong boring doon.

He bit his lower lip and turn around and started to walk again.

Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang sundan siyang muli. Inaabangan ko rin ang magiging sagot niya.

Hanggang sa nakarating na kami sa dining area nila. At ayon din ang dahilan kung bakit ako tumigil sa pangungulit sa kaniya dahil kinausap ako ni Doncillo.

"Oh, hija? Do you want to eat some pancakes? " aya niya sa akin.

Tinignan ko naman siya at pilit na nginitian dahil bumalik din ang tingin ko kay Miguel na naghila ng upuan.

Kumuha pa siya ng d'yaryo at tinignan ako saglit.

Inirapan ko siya. Nakakainis din ang isang ito. Matapos niya akong pangilabutin kanina ngayon ay nagsusungit na naman siya.

Pinamulahan ako dahil sa naalala pero mabilis ko din iyong inalis sa aking isipan dahil baka mag mukha akong tanga.

"Take a sit, hija," narinig kong utos ni Doncillo sa akin.

Kay naghila ako ng upuan na sa tabi lang ni Miguel, pasimple pa akong sinulyapan ni Miguel.

Siniko ko naman siya kaya napatingin siya sa akin ng tuluyan.

"What? " nahimigan ko ang iritasyon doon.

Tinaasan ko siya ng kilay at nginuso ang pancake na nasa hapag.

"Kuhanan mo ako. "

Pinagtaasan niya ako ng kilay dahil doon at napaawang ang kaniyang mga labi.

"What? May kamay ka naman ah? Bakit di ikaw ang kumuha? "

Ako naman ngayon ang napaawang ang labi. Napaka ungentleman din ng isang ito.

Inismiran ko siya at walang kangiti ngiting kumuha ng pancake at syrup.

Tinignan ko pa si Doncillo na tahimik na nakamasid sa aming dalawa ni Miguel.

Nginitian niya ako ng mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya.

Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin