Kabanata 38

1.3K 11 1
                                    

Kabanata 38






"Marry me and be with me. "


Natigilan ako. Gusto kong maging masaya ngunit paano kung mag durusa ako?


But if this will be the way to see him and love him I will agree.

If I have to suffer from his love, I will not hesitate to love him.


Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang nakatingin sa guwapo niyang mukha at alam kong nakatingin siya sa akin no'ng mga oras na nilingon niya ako.

'Kita ko kung paano siya natigilan ngunit isinantabi ko iyon.

"Alright. I'll go with you, " even if you hurt me.


Nakangiting sagot ko. Nag iwas siya ng tingin. Tumayo siya at tinalikuran ako. Kaya malaya akong nakatingin sa kaniya.


Parang kanina lang ay natutulog ako. Ngayon ay nandito na ako. At nasa harap ko siya.


"You can go now" narinig kong sabi niya.



Tumayo ako. Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya.


"Miguel... " saad ko.


"I hate you... "


Do I deserve that hate? Siguro ay oo? Pero bakit? Ginawa ko lang naman iyon para sa kaligtasan ko ah?


Bakit ba palagi na lang akong umiiyak? Wala na bang katapusan sa pagtulo ang mga luha kong ito?



Gabi-gabi na lang ba? Imbes na matulog ay umiiyak ako.



Umiiyak sa sakit... Nagmahal lang naman ako... Pero wala ring saysay iyon dahil ang taong nagmamahal ay nasasaktan.



Pero kahit na nasasaktan ako ay hindi ako nagsisi na lumaban ako para sa kaniya...



Nagpapasalamat pa rin ako kasi kung hindi dahil sa kaniya ay wala na ako.


Pero mamamatay naman ako sa sakit. Sa mga trato niya, kakayanin ko kaya? Malalagpasan ko kaya ang lahat ng ito? Kailan kaya ako makakatulog ng mahimbing?


At kailan ako titigil sa pag iyak o kung titigil pa ba ito?



Pinahid ko ang luhang bumagsak sa aking pisngi bago pa man niya ako maharap. Ngunit huli na ang lahat dahil nakita na niya kaya mabilis akong tumalikod at nagmamadaling umalis.



Sa sobrang panghihina ko ay napasandal ako sa likod ng pinto. Nagulantang pa'ko nang makarinig ako ng pagkabasag sa loob ng opisina niya na parang sinadyang ibagsak ng taong may galit. Napapikit ako at humigpit ang hawak sa door handle.



He still loves me, I knew, I feel...





Kahit anong klaseng pagiging malamig niya sa akin ay alam kong mahal pa rin niya ako. May pakialam pa rin siya sa akin.





You can't fool your heart, darling.





Pero kung gusto niyang mag higanti sa akin ay handa na ako. Kung iyon ang tanging paraan para maramdaman ko ang sakit na naramdaman niya no'ng panahong iniwan ko siya. Ay hindi ako aatras.






"What?! " padaskol na tanong ni Kuya sa akin at hindi din siya makapaniwala sa ibinalita ko sa kaniya.




Napatayo pa siya. At halatang hindi siya sang-ayon.





Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now