Kabanata 26

613 8 0
                                    

Kabanata 26

Nangangamba ako. Pero bakit ako mangangambaa baka naman kasi maiintindihan din ako ni Miguel kapag nag paliwanag ako?


Kahit di na sabihin sa akin ni Jenna na mag susumbong siya kay Miguel ay alam ko na na sasabihin at sasabihin niya pa rin iyon. Ang laki yata ng inis nun sa akin.


"Pababa na sina Miguel! " nabuhay ang natutulog kong diwa nang marinig ko ang boses ni Janella at ang pagyugyug nito sa aking balikat.

Napalingon ako kaagad sa direksyon nina Miguel. Pababa na nga ito ng hagdan at nasa tabi niya si Jenna na nakatingin kaagad sa akin. Ngumisi siya at biglang nagpakita ng pagkadismaya at nang aasar na napailing.

Dahan dahan namang lumipat ang tingin ko kay Miguel na seryosong naglalakad habang nakapamulsa. Ni hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin. Kahit pa sa amin siya dadaan banda. Nilagpasan lang niya kami nina Janella. Ramdam ko ang pagtitig sa akin ng mga kaklase niyang kasama niya, nagtataka sa nangyayari.

"Tol, si Jennyrose oh, " sabi ng isa sa mga kasama niya kaya tinapunan siya ng masamang tingin ni Jenna.

Tumigil si Miguel sa paglalakad pero hindi pa rin ako nito hinaharap. Pero umaasa akong haharapin niya ako.

Napakamot naman ito sa ulo at saglit akong tiningnan at nang mapansing nakatingin ako sa kaniya ay mabilis itong nag iwas ng tingin.

"Bahala nga kayong mag shota kayo dinadamay niyo pa ako sa LQ ninyong dalawa, " pag rereklamo nito. At nagpauna na sa paglalakad bago pa man siya mabatukan ng isa sa mga kasama niya.

"Tngina talaga nito ni River Abalos oh! " natatawang sabi pa ng ilan sa mga kasama nila.

Kaibigan ng mga Suriaga ang Abalos. Kaya pala medyo may pagkakahawig ang isang ito sa isa sa mga angkan ng mga Abalos. Mayayaman din ang mga Abalos at may hitsura.

"M-miguel.... " lakas loob na pag tawag ko kay Miguel.

Natigilan ito kahit na kanina pa siya ganiyan. Mas lalo siyang natigilan nang tawagin ko siya sa pangalan niya sa mahinhin kong boses.


Tinapik siya sa braso ng kaklase niyang lalaki at nakita ko pang ngumisi ito. Hinawi naman kaagad ni Miguel ang kamay nito bago pa nito maalis iyon sa braso niya. "P're alam kong 'di mo matitiis yan, " narinig kong bulong niya kay Miguel at napailing.

Tumingin ito sa sakin. "Geh una na kami—"


"The seniors still have classes so why are you two not in your class now?" Tanong nito sa baritonong boses ngunit malamig.

Naudlot ang pag lakad ng mga kasama niya dahil sa pag sasalita niya.



Naitikom ko ang aking bibig. Naramdaman ko pa ang pamamasa ng mga mata ko. Sa inis ko ay padabog kong kinuha ang bag ko at tumakbo papalayo sa kanila bago pa ako maiyak sa harapan nila.

"Gago p're umiiyak. "


Naiiyak ako sa inis. Dapat makinig siya s aakin. Kaya ko namang mag paliwanag e’. Pero hindi naman siya nakinig sa akin. Dahil mas nakinig siya kay Jenna, sa ex niya. Yeah right, ex. Mas matagal sila, kaya mas kilala nila ang isa't isa.



"Nakakainis, " naiiyak na bulong ko at sinipa ang damo na nasa paanan ko.

"Jennyrose, " narinig ko ang boses ni Miguel sa likod ko.

Kaya lalo akong nainis kahit na halos tumalon ang puso ko sa saya dahil sinundan niya ako.

"Tara na, Janella! " akma na sanang lalakad ako nang pigilan ako nito ng kamay niya sa pag hawak sa aking ulo.

Nakakapanliit. Halos sakop na ata ng kamay niya ang kabuohan ng ulo ko.

Masama ko siyang nilingon. Nang mag salubong ang tingin namin ay nag iwas siya agad ng tingin. At doon ko lang napansin na wala si Janella sa likod namin.

Inirapan ko siya at hinawi ang kamay na nasa ulo ko. Pero hindi ito nag pahawi. Hinawi ko ulit pero gaya ng kaanina ay hindi ito nag pahawi.

"Ano ba?! " puno ng iritasyong tugon ko sa ginagawa niya.

"S-sorry... " mahinang sagot niya.


Nag pantay ang mga kilay ko. At sa isang iglap ay nawala ang galit ko.


"B-bakit ba kasi hindi mo'ko pinapansin? Dahil ba 'yon sa pinamimigay ko yung mga cookies sa mga bata? " kumunot ang noo ko.

"Totoo nga... " sabi niya at tumingala.

Nawala ang pagkakakunot ng noo ko dahil sa naging tugon niya. "What do you... "

Malungkot siyang ngumiti. "Manliligaw mo palang ako pero basted na ako. Ni hindi ko man lang naisip na baka bawal ka nun. Hindi naman ako naniniwala sa kaniya e, kaso sa'yo na nang galing. I'm sorry. Maybe I misinterpreted your always eating cookies so I thought it was your favorite. Kaya di kita pinapansin dahil sa kahihiyang iyon, " paliwanag niya at nag iwas ng tingin sa akin.

Yumuko siya at pinaglaruan ang mga daliri. Tanging nakatitig lamang ako sa kaniya. "I'm embarrassed, " dismayadong sabi niya sa sarili.


Napaawang ang mga labi ko. Hindi niya dapat maramdaman iyon. Dahil ako dapat, pinag hirapan niya ang bagay na iyon tapos hindi ko din naman pala kakainin. Pero napunta naman siya sa t'yan ng iba kaya hindi din sayang at nakatulong pa ako.

"You shouldn't feel that, Miguel. Ako nga ang nahihiya e, kasi ni di ko man lang magawang kainin yung bigay mo sa akin... " humina ang boses ko sa huli.

Yumuko ako. Kaya ginulo niya ng bahagya ang buhok ko at siyang dahilan kaya't nag angat ako ng tingin sa kaniya.

Nginitian ko siya ng maliit. "I'm so sorry... "

"It's fine. If your health depends on it. Thank you for the information. Kahit hindi buo."

"May klase pa kayo 'di ba? Pumasok kana sa kkase niyo. "

Yumakap ako sa braso niya habang nakangiti. "Late na rin naman na ako e, napakapabebe mo kasi e kulang kalang kasi sa kiss ko, " biro ko at sinundan iyon nang maoang asar na tawa.

Napailing na lang ito at bahagyang natawa.


"Ihahatid na kita, " sabi niya at kinuha ang bag ko at isinukbit sa kaniyang balikat.

Lumawak naman ang ngiti sa labi ko at masayang nag lakad kasama niya. Ilang araw na ring nanliligaw sa akin si Miguel.

At sa mga araw na iyon ay hindi siya nagkamaling iparamdam sa akin na mahal niya ako kahitt manliligaw ko palang siya. Nagpupursigi siya sa lahat ng bagay.

Nasa hagdanan na kami. Kaya kinuha ko na ang bag ko. Nakangiti akong nag paalam sa kaniya. Pero nasa pangtlong hagdanan palang ako ay tinawag ko siya. Nakatingala siya sa akin habang nakapamulsa na tila ba hinihintay akong makaakyat.

Bahavya pang nanginig ang tuhod ko sa kaba. Lumunok ako.

"M-miguel, " pag tawag ko sa kaaniya at bahagya pang nanginig ang boses ko.

Suminghap ako at napailing. "Hmm? " masuyong tanong niya sa akin habang nag lalambing ang mga tingin.

Nag iwas ako ng tingin. Dahil habang tumatagal akong nakatitig sa kaniyang mukha ay nawawalan ako ng focus sa gagawin ko.

Nginitian ko siya. "Girlfriend mo na ako. Sinasagot na kita. "

Nanlaki ang mga mata niya ngunit sa kabila niyon ay makikita kung gaano siya kasaya. Parang 'di siya naniniwala. Nanigas siya sa kinatatayuan niya at tila ba ay huminto ang takbo ng mundo niya.

Napailing ako at bumaba para bigyan siya ng halik sa pisngi.

"Bye, boyfriend ko. " hindi ko alam kung nang aasar ba ako o ano. Pero 'di ko talaga maiwasang di matawa sa reaksyon niya. Para siyang batang nagulat.





-
A/N: wala ng edit edit itoHAHAHAHAdi naman magiging libro itoe, tinatamad din ako e:(

Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now