Kabanata 30

847 9 0
                                    

Kabanata 30







"Busog kana ba? " malambing na tanong sa akin ni Miguel habang nililigpit ang pinagkainan ko.




Balak ko sanang ako na lang ang mag liligpit kaso pinigilan niya ako.

"O-oo. Salamat! "


Nginitian niya lang ako at tumayo para ilagay sa kusina ang plato na pinag gamitan ko.

Bumalik siya kaagad para simulan na nila ang project nila. Habang ako naman ay tahimik lang na nag babasa ng magazine. Naririnig ko pa silang tumatawa at inaasar sina Miguel at Jenna.


Umiling si Miguel at nilingon ako. Nang mapansin niya na nakatingin ako sa kaniya ay nginitian niya ako kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon.




Hindi ko din maiwasang hindi mainis sa mga kaibigan niya. Hindi ba nila ako nakikita?



Tahimik lang ako buong mag damag kahit pa napapansin ko ang palagiang pag sulyap sa akin ni Miguel na pinapanood ang mukha ko. Hanggang sa makauwi kami ay gano'n pa rin ako.



Hindi ko siya iniimik buong mag damag. Wala ako sa mood para kausapin siya.


"Are you okay? " banayad na tanong niya sa akin.


Tango lang ang sagot ko at nanatiling hindi tumitingin sa kaniya. Naramdaman ko pa ang pag galaw niya. Nagulat na lang ako ng lumantad sa akin ang lily na gawa niya.


Tiningnan ko siya. Nakayuko siya sa akin na parang batang may kasalanan.

"Oyy sorry na... Bati na tayo... "




Umawang ang labi ko. "W-wala ka namang kasalanan... " mahinang sagot ko.



Tumingin sa akin ang magaganda niyang mga mata na puno ng lungkot.


Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad no'n.


"Then why I felt like I'm gonna lose you? " mahinang tanong niya.



Natahimik ako. Yumuko siya upang hagkan ako sa noo.



"Don't l-leave m-me...p-please? " hindi ako nakapag salita, ngunit hindi iyon ang dahilan. Dahil iyon sa pamamasa ng mga mata niya.



Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Kapag ganito siya nahihirapan akong iwanan siya.


Pangarap ko ito dati eh. Pero mawawala lang ang pangarap kong ito dahil sa sakit ko.



Yumuko ako at hindi ko namalayang umiiyak na pala ako sa kaniya. Pinahid ko ang luha ko ngunit hinawi ni Miguel ang kamay ko at siya ang nag pahid ng mga luha kong walang tigil sa pag landas sa aking pisngi.



Paano ko siya iiwan kung ganito siya sa akin? Parang gusto ko na lang siyang makasama at hayaan ang sakit ko. Hindi ko siya maiiwan, hindi ko kaya... Nasasaktan ako...

"Let me wipe your tears."


Dahil sa sinabi niya ay umiyak ako nang malakas. At sa pagkakataong iyon ay niyakap na niya ako. Maging siya ay umiiyak na rin at parang nababasag ang puso ko habang naririnig ang iyak niya na parang nadudurog siya.



Ang higpit ng yakap niya sa akin. "If loving me will hurt me. I'm ready to be hurt by your love... " buong pag suyong sabi niya at yumakap sa akin nang mahigpit. Naramdaman kong hinaplos niya ang ulo ko. "You know you're my future, right? "

Nahihirapan akong mag desisyon. Hindi ko kayang iwan siya... P'wede ko naman siyang isama sa pagpapalakas ko sa sarili ko hindi ba? Pwede naman diba? Diba?



Pero bakit gano'n? Hindi umaayon ang puso ko. Dahil sinasabi ng isip ko na hindi habang buhay na nasa mga bisig ko siya.



"Jennyrose, intindihin mo naman ang mararamdaman namin kung nag patuloy ang relasyon niyo ng Kuya ko!" galit na nagsusumaong sabi sa akin ni Lily. Ang pinsan ni Miguel.


Nag mamakaawa siya sa akin na bitawan ko na ang pinsan niya. Dahil nag sunod-sunod ang pag bagsak nito sa mga quiz. At habang tumatagal ay lumalala naman ang sakit ko kaya minsan hindi ako nakakapasok sa school kasi sinusumpong ako.


Humigpit ang hawak ko. Wala na akong magagawa. Hanggang dito na lang ba talaga ang lahat? Ito naba ang katapusan? Pero bakit... Bakit kailangan pa naming masaktan? Kung puwede rin naman naming ipaglaban ang aming pag iibigan?





"Anong kailangan mo? Tinigilan ko na kayo, ah? Hindi paba sapat iyon? Hindi na kita pinapakialaman kahit na ina-under mo siya na hindi niya gusto dati—"



"Makikipag hiwalay ako sa kaniya... " putol ko sa iba pang sasabihin niya.



Natigilan si Jenna. "A-ano? Makikipag hiwalay ka? Tanga ka ba—"

Pinuntahan ko siya dahil nakapag desisyon na ako.


"May sakit ako sa puso at anomang oras ay hindi na ako mag tatagal. Kailangan kong iligtas ang sarili ko. Aalis ako sa bansang ito—"



"Iiwan mo siya dahil lang diyan? " hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

Tumango ako kahit na nainsulto ako sa tanong niya.



"Para rin sa amin ito, Jenna. " tumigil ako sa pag sasalita.

Namasa ang mga mata ko. "Help me... Help us..."



Umiling si Jenna. "No, Jennyrose. Hindi ka niya papakawalan dahil mahal ka niya! Bakit hindi kana lang mag tiwala sa pagmamahal niya—"



"Dahil hindi ko siya mahal! " lie.

Nanlaki ang mga mata ni Jenna sa naging sagot ko. Nahagip pa ng mga mata ko ang pag kuyom ng kamao niya.



Nag iwas ako ng tingin. "Pag hiwalayin mo kaming dalawa. Suko na ako sa kaniya, puwede mo na siyang mahalin—"


"Tanga kaba, Jennyrose? Sa tingin mo ba mamahalin niya ako kung mahal ka niya? Kung ikaw ang laging bukam bibig niya? " nabasag bigla ang boses niya.



Hindi ako nakapag salita. Parang naipit ang aking dila. Alam ko naman iyon e, alam ko... Kaya nga nahihirapan akong bitawan siya e...





"Bakit hindi mo na lang sabihin sa kaniya? Bakit kailangan mo pa siyang masaktan? "



Umiling ako. Tumanaw ako sa bughaw na kalangitan.



"Kapag sinabi ko hindi niya ako papaalisin... Mag aalala lang siya... "




"Mahal mo siya," paratang sa akin ni Jenna.



Malungkot akong ngumiti. Ngiti na may kasamang pait. "Yes, I love him. Pero para sa amin din ito, Jenna. Tulungan mo'ko. " sabi ko at hinarap siya.



Namamasa ang mga mata niya at makikita rin doon ang pagka suklam sa akin.



Malungkot akong nag iwas ng tingin. Tatanggapin ko ang bagay na iyon. Pero masyado na akong nahihirapan sa sitwasyon kong ito.


"Babalik din naman ako... "



Ibinalik ko ang tingin sa kaniya. "Kaya sana alagaan mo siya... Tulungan mo siya... At m-manatili ka sa tabi niya... " hindi ko na napigilan ang pag tulo ng nga luha sa mga mata ko.



Gusto ko mang bawiin ang lahat ng iyon. Pero masyado akong naging mahina sa pagkakataong ito.




Isinuko ko na... Maipapanalo ko paba ito sa pagbabalik ko?










Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now