Kabanata 31

674 9 0
                                    

Kabanata 31



Nakatitig sa akin si Kuya Jarrel. Ramdam ko iyon. Matiim. Mabigat. At nag tatanong kahit na madilim ang anyo nito.

"Nakapag desisyon kana? " tanong niya.

Hindi ko siya pinansin. Tinalikuran ko siya at isinukbit ang bag sa balikat ko. Narinig ko pa ang pag 'tsk' nito na may pagka dismaya.

Dahil din sa ginawa niya ay hindi ko maiwasang hindi mapaluha.

Huminga ako nang malalim at tinignan ang sarili sa salamin na nadaanan ko.

Okay naman ako. Kaso halatang puyat ako. Namumutla na rin ako. At nitong nag daang araw din ay pasumpong sumpong ang sakit ko.


Umiwas ako ng tingin kay Kuya.

"Hindi... " napaayos siya ng tayo dahil sa sagot ko.

Parang hindi niya na gustuhan ang sinabi ko.

Tumiim bagang siya. "Handa kong iwan ang lahat para sa'yo, Jennyrose. Sasama ako sa'yo, kaya sabihin mo na sa Miguel na iyan ang nangyayari sa'yo! "

"Pero paano si Ate Vivoree? " biglang tanong ko sa kaniya na halatang ikinatigil niya.


Kung kanina ay ako ang napaiwas ng tingin ngayon ay siya naman.

Bahagya siyang yumuko at ginulo ang buhok. Parang naguguluhan siya at nag iisip ng maisasagot sa akin.

"Mahal ko siya... Pero kailangan kong... " tumigil siya na tila ba may bagay na magpapahina sa kaniya. At iyon ang luha niya.

"K-kailangan ko siyang iwan maalagaan ka lang... " tuluyan niyang sinabi at tumalikod sa akin.

Napatitig ako sa likod niya habang sumisimple siya ng punas sa basa niyang mata.

"Aalis na ako... Sabihin mo na lang kay Miguel ang lahat... " pumormal siya.

Napayuko naman ako. Ayaw kong mahirapan si Kuya. Pero kahit naman piliin ko si Miguel na iwan ay iiwan pa rin niya si Ate Vivoree.




Kaya napagdesisyunan ko na makipagkita kay Ate Vivoree.

Nasa malayo palang ako ng matanaw niya ako. Kinawayan niya ako ka agad at ngumiti pero yong ngiti niya sobrang lungkot. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng konsensya.

Nang makalapit sa kaniya ay yumakap siya sa akin. Naging close ko siya dahil kay Kuya, sinasama kasi siya sa bahay ni Kuya at kilala na rin siya nina Mommy.


"Hi, Ate Vivs... " bati ko sa kaniya tinanguan niya naman ako at nag wave sa akin ulit.


Hindi ko maiwasang hindi malungkot. She can't speak because of her situation. Nabalitaan ko kasi ang nangyari sa kaniya between her family. Especially to her father, who killed her mother.


Humawak ako sa kamay niya at nagsunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko.

Yumakap ako sa kaniya, kahit pa nagtataka siya sa akin ay hinayaan niya ako at hinagod niya pa ang likod ko kaya mas lalong hindi tumigil sa pagtulo ang mga luha ko.

Kasi dahil sa akin ay magkakalayo pa sila ni Kuya. Kasalanan ko....


Tumigil ako sa paglalakad nang matanaw ko si Miguel sa gate na tila ba may hinihintay. Tumitingin pa siya sa wrist watch niya at biglang napatingin sa akin. Nang mapunta sa akin ang mga mata niya ay umayos siya ng tayo at nakangiting nilapitan ako.

Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now