Kabanata 8

638 16 1
                                    

Kabanata 8






Bakit gano'n? Bakit parang ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag si Miguel na yung bumabanggit?

Ang unfair naman non! Hindi pa rin ako maka get over. Iba talaga ang dating sakin ni Miguel.

Actually hindi yung itsura niya ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Hindi ko nga din alam kung paano ko siya nagustuhan, basta bigla nalang ito tumibok.

Na love at first sight yata ako nang makita ko siya sa marriage booth noon.

Ikinakasal kasi siya non sa iba at nakasimangot pa siya non at halatang hindi niya gusto ang nangyayayari sa kaniya. Samantalang yung bride niya ay kinikilig habang siya naman ay iritadong iritado.

Ang ganda diba?! Pero natatawa ako sa kaniya non, kasi kahit nakasimangot siya ay ang guwapo pa rin niya.


Wala rin talagang kapintasan ang mga apo ni Doncillo.

Kaso kaugali naman niya. Balahubas siyang kulubot siya.

Palibhasa maraming naging asawa kaya maraming anak at apo ngayon.

Paano ba naman kasi ay babaero, kahit na matanda na ay manyakis pa rin.

Tapos nahiya ako bigla nung malaman ko na matalino pala si Miguel noon, walang-wala ako sa talino niya.

Wala naman ako nasa lower section dahil may kapit ako kaya wala ako dun.

Tapos sinusulatan ko rin siya ng love letter noon like ang corny ko na that time. Kasi first time ko ring ginawa iyon, at hindi ko gawain iyon!


Hanggang sa nalaman ni Janella na crush ko si Miguel noon at sinabi niya sa mga kaklase namin na siyang kumalat sa buong school. At dahilan kung bakit inaasar ngayon si Miguel sa akin ng mga kaklase niya. At dahilan kung bakit siya galit sa'kin ngayon.

At ang mga pinsan ko naman na kaklase niya ay inaasar ako sa kaniya.

Pero seryoso lang si Kuya Jarrel kapag napupunta kami sa topic na iyon.

"Ah, excuse me? Nandiyan po ba si Miguel? " tanong ko sa guard ng hacienda ng mga Suriaga.

Tinignan ako ng guard at tinanguan. "Yes, Ma'am. Magandang araw po, ano pong kailangan niyo kay Senyorito? "

Nginitian ko din siya at tumingin sa loob. "Ahh. May sasabihin lang kasi ako sa kaniya. Puwedeng pumasok? "


Tinanguan ako ng guard at pinapasok na nga sa loob.

Kilala ako ng mga guard dito dahil mag kaibigan sina Doncillo at Papa Lo.

At habang naglalakad ako ay sinusuyod ko ng tingin ang buong paligid. May lion fountain pa sila sa gitna ng daan at sa baba ng estatwa ng lion ay may mga isda namang nagsisilangoy.

Napangiti naman ako at nasisiyahan habang pinapanuod sila.

Mahilig kasi ako sa mga isda, ang ganda kasi nilang tignan. Mahilig din ako sa mermaid noon kaya no'ng bata pa ako ay pinangarap ko talaga na maging isang sirena.

Pero nang tumanda ako ay doon ko nalaman na hindi pala totoo ang mga iyon. Dahil walang sirena sa mundong ito, lahat sila ay gawa-gawa lamang ng mga imahinasyon ng mga tao.

"What are you doing here, hija? " ang boses ni Doncillo ang nagpawala ng atensyon ko sa mga isda.

Napatingin ako sa aking harapan dahil doon nagmumula ang boses at nang makita ko si Doncillo ay binigyan ko ito ng isang matamis na ngiti kaagad.

Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now