Kabanata 20

806 11 0
                                    

Kabanata 20








"Sorry talaga, Jennyrose... "

Nakailang hingi na ng tawad sakin si Sandro pero hindi ko pa rin siya pinansin.

Para saan pa? Nasaktan na ako. Nananahimik lang ako tapos nasaktan pa ako. Ako na nga yung hinalikan tapos ako pa yung sinaktan.


Lagi naman. Kaya bakit hindi pa ako na sanay? Pero sa tingin ko ay hinding hindi ako masasanay na hindi masasaktan.

Kahit anong klaseng pamimilit ko sa sarili ko na matapang ako ay nawawala din ang tapang ko kapag si Miguel na ang usapan.



Walang wala yung tapang ko kapag siya na ang dahilan.


Marami namang lalaki dito sa Samar at guwapo, gaya ni Adonis. Kaso mas umaangat ang kaguwapuhan ni Miguel. At isa pa, pakiramdam ko din ay may namamagitan kayna Adonis at Ate Miriam.



"Peace be with you." sabi nang lumingon na si Papa Lo sa aking harapan kasama si Mama La.




Yumuko ako. "Peace be with you..."

Hinalikan ko naman si Mommy at Daddy sa pisngi at ganon din ang ginawa ko sa mga pinsan ko. Maliban lang kay Mharissa na walang emosyon na nakatayo sa gilid habang tahimik na nakamasid sa aming lahat.



Nag tama ang aming mga mata. Lagi naman siyang ganiyan, kaya hindi na kami nagtataka. At sanay na rin kami na ganiyan siya.


Tahimik at tipid kung mag salita. Hindi din naman siya nakikisalamuha sa amin kaya wala kaming masyadong alam sa kaniya.



Kahit nga ang mga kapatid niya ay wala ding alam sa kaniya. Sa mga problema niya kung mayroon man hindi kasi siya kagaya namin na maingay. Hindi ko din naman sinasabi na maingay si Kuya Leonard, tahimik siya actually. Nilulugar din niya ang pagsasalita niya, kung mag sasalita man siya at tipid lang.


Nasa simbahan kami, linggo na ngayon. Sina Mama La ang nag ayang mag simba ang buong pamilya. Sumapit ang sabado kahapon na tahimik lang ang buhay ko, dahil nanatili lang akong nakakulong sa aking silid at dinamdamm ang mga masasakit na salitang binitawan ni Miguel, na para bang umalingaw-ngaw pa rin magpasahanggang ngayon sa aking pandinig.


At saka normal na gawi naman na ito ng buong pamilya na mag simba tuwing linggo. Pasasalamat daw sa d'yos, pero wala naman sa pari ang atensyon ko.




Kundi nasa kabilang row ng upuan na kung na saan ang pamilyang Suriaga na nag sisimba rin kagaya namin.



Nandodoon si Miguel. Kasalukuyan itong nakaupo sa tabi ni Tita Mitch. Seryoso si Miguel habang nakatingin sa padre na nag sasalita sa harap patungkol sa simbahan.


Tinita ko na doon din naman hahatong iyon.


Mahina akong napahagikhik at napailing. Natatawa sa sariling isipan.



Dahil sa paghagikhik ko ay mahina akong siniko ni Mommy kaya lumipat sa kaniya ang aking tingin.



Nanenermon ang kaniyang mga mata at tumingin pa sa altar na tila may ipinapahiwatig.


"Apo, ikaw na ang magbabasa ng bibliya..."



Narinig kong sabi ni Mama La na nakaharap na ngayon sa akin.



Gulat akong napatingin sa kaniya. Aangal na sana ako ngunit tinawag na ako ng mga madre na nasa aming gilid na ngayon ko lang din napansin.

Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon