Kabanata 44

1.7K 11 0
                                    

Kabanata 44




Nasa bahay ampunan kami habang pinapanuod ang mga batang naglalaro ng habol-habulan.

Hawak-hawak ni Miguel ang kamay ko habang nakangiti. Napakaliwanag ng kaniyang mukha kaya hindi ko maiwasang 'di mapangiti. Parang ang gaan ng awra niya.


"Gusto ko na maging kamukha mo ang magiging anak natin. Kahit na umampon tayo ng isa sa mga iyan. "

Mahina akong natawa dahil sa sinabi niya kaya naman napakagat siya ng kaniyang pangibabang labi.

Nagpangamot siya sa kaniyang batok. "Alam mo hiyang-hiya ako sa'yo dahil sa mga ginawa ko sayo nitong nagdaang araw. "

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. "Huwag mo ng isipin iyon. Kalimutan na natin iyon. "


Natigilan siya at napatitig sa akin kaya sinalubong ko iyon. At magaan siyang nginitian. "Let's start again, baby. "

"Ako na lang ang baby mo," sabi niya at yumakap sa baywang ko na akala mo'y isang paslit.

Natawa ako at pabirong kinurot ang kaniyang braso.

Napailing ako. Umayos lang siya ng tayo nang lapitan kami ng isang madre.


"Narito ka pala, Miguel, hijo. Anong sadya niyo rito? " nakangiting sabi nito at tumingin sa akin ang madre.

"Iba na ata ang kasama mo, hijo. Na saan na si Daniela? " nakangiti pa rin ito. Habang ako naman ay nakaramdam ng hiya.


Nakakahiya kasi iba ang kasama ni Miguel. Hindi si Daniela, dahil ako.

Natigilan ako sa pag iisip ng kung anu-ano ng maramdaman ko ang kamay ni Miguel sa aking baywang at hinapit ako palapit sa kaniya.

Napatingin ako bigla sa madre na nagulat sa ginawa ni Miguel ngunit nagawa pa rin niya kaming ngitian.

"Asawa ko po, Mother Era. "

Nagulat man ito ay binati niya pa rin kami. Wala namang problema sa reaksyon niya. Mukha pa siyang masaya para sa lalaki.

"Alam mo ba, hija. Laging napaparito iyang batang iyan para makibalita at makita ang mga bata dito sa bahay ampunan," kwento ni Mother Era sa akin habang nakatingin kami sa direksyon nina Miguel.

Napakalaki ng ngiti nito habang nakikipaglaro ng bola sa mga bata.



"Lalo na ang batang si Jesusa, ang lapit daw ng loob niya sa bata at gusto niyang ampunin. " pag kuwento pa niya at tinuro 'yong batang kumakanta sa harap ni Miguel na malaki ang ngiti habang masaya siyang pinapanood na kumakanta.


Naka kulay pula ang batang babae na dress. Maiksi ang buhok at matambok ang mamula-mulang pisngi. Kapag ngumingiti ito ay lumalabas ang malalim nitong dalawang dimple. Maganda ang labi niya kahit mataba nang kaunti ang ibaba no'n. At mahaba ang pilik-mata, napakaganda ng mga mata at may maputi at makinis na balat. At halata sa mukha ng bata na masiyahin siyang bata.

At sa palagay ko ay ganoon din ang magiging pasya ko kaya kay Miguel. Aampunin ko ang batang iyan. Magaan din ang loob ko sa kaniya at natutuwa ako sa kaniya dahil mukhang napapasaya niya si Miguel ko.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi ma-imagine na nakikipaglaro si Miguel sa mga anak namin. Pero hanggang imagine lang ang bagay na iyon. Dahil hindi iyon mangyayari dahil sa sakit ko.


Hinarap ako ni Mother Era kaya naman napatingin ako sa kaniya bigla. Magaan niya akong nginitian. Hinawakan niya ang aking kamay.

"Alam mo, hija. Sinabi niya sa akin dati na gusto niyang magkaroon ng anak sa babaeng mahal niya na ituturi niyang prinsesa ang mga anak nila. At ituturi niyang reyna ang babaeng mahal niya, hindi siya magsasawang iparamdam ang pagmamahal niya sa magiging mag-ina niya. At hindi siya mabibigong iparamdam ang pagmamahal niyang iyon sa kaniyang reyna, dahil deserve daw ng kaniyang reyna ang pagmamahal na iyon. "

Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now