Chapter 2

53.5K 1.6K 279
                                    

Even

Nagpractice akong muli sa hapong iyon. I confidently put my mineral water with my things. I smiled when I noticed that no one made a fuss about it.

"Ang hirap na noong steps," one of my teammates complained.

"Uh... saan 'yung mahirap? Tuturuan kita," I offered.

Her expression changed. She shook her head in a serious way.

"Hindi na."

I slightly nodded and smiled as one of her friends caressed her elbow as they looked at each other meaningfully.

Nag-assign na si Ma'am Hernandez ng mga sasalo sa flyer. Most of them are boys. Si Niel, Cyrus, Lian, at Angelo Pinayuhan din ako ni Ma'am Hernandez na panatilihin ang aking timbang ngayon para hindi mahirapan kung itatapon na ako sa ere.

Overall, I am content with the practice. I saw Trison approaching me with a dark expression. Nakasabit sa kanyang balikat ang bag at sa galaw ng kanyang panga, alam ko na agad kung ano ang nangyari.

I picked up my things.

"Sumama ka sa akin," ani Trison at hinila ang aking braso.

"Bitiwan mo nga ako!" halos itulak ko siya sa inis ko.

"Magpaliwanag ka sa prof ko," he said aggressively. "Ngayon ang huling pasahan namin at ayaw niyang tanggapin ang papel ko."

Oh? Which means... babagsak siya?

Muli niyang hinawakan ang braso ko at kinaladkad ako, kaya sa iritasyon ko, kinagat ko ang kanyang kamay. He groaned as his hand loosened, and he let me go. Tumalikod ako at nag-akmang tumakbo ngunit nahawakan niya ang bag ko at iyon ang kanyang hinila.

"Ano ba!" halos magpumiglas ako bitiwan niya lamang iyon.

"Sumama ka nga sa akin," desperado niyang sabi.

"Fine! Then let me go!"

Unti-unti kong naramdamang binitiwan niya iyon ngunit nagbabanta ang tingin.

"Subukan mong tumakas..." banta na ikinairap ko.

Naglakad siyang muli kaya sinabayan ko siya. Hindi siya nagsasalita at seryoso, kaya ayaw ko ring magsalita hanggang sa nakarating kami sa faculty room.

Binuksan niya ang pinto at sinenyasan akong pumasok. I glared at him and gestured to come in first. He glared at me back and pushed my back lightly until I went in first.

Inayos ko agad ang ekspresyon nang makitang may mga guro pang naroon at napatingin sa amin. Nilingon ko si Trison na pumasok na rin at isinara ang pinto.

Nilapitan namin ang isang desk ng gurong abala sa gamit at nakasalamin na matandang lalake.

"Sir..." si Trison sa pormal na tinig at nilingon ako sa kanyang gilid.

I smiled a little, but the professor only looked at me strictly.

"Nagsasabi po ako ng totoo, Sir. Naglalaro ng volleyball ang grade Ten kanina at natamaan ako, Sir. Kaya na late ako sa pasahan," Trison explained calmly.

I can sense that he's a good student, just like me, who's trying his best to aim for a high grade.

"Sabihin mo sa kanya," Trison whispered beside me.

I wanted to lie about it, but I don't want to fuel the fire anymore. Uwing uwi na ako at kung sasabit pa ako rito, matatagalan lamang ako.

"Opo sir, Nasugod po siya sa clinic," I said softly.

String Of Lights (Rebel Series #2)Where stories live. Discover now