Chapter 11

44.1K 1.3K 585
                                    

Calm

"Edi sa Manila ka magcocollege, Ches?" rinig ko ang tanong ng boys sa kanya.

"Oo..." ang marahang tingin ni Chesca habang malawak din ang ngiti ni Trison sa kanya.

"Saang college ka? Para doon na rin ako," ganadong si Trison.

I can hear their voices. The loud voice of the boys, Chesca's soft giggles, and Trison who's smiling while looking at his friends, as if they have some fun topic.

"Uy... si Ayeselle," one of the boys immediately noticed me.

Ngumiti lamang ako ngunit deritso na sa matandang nagtitinda. I took my wallet out of my pocket and acted like I was distracted by the orange balls in front of me.

"Oh! Hindi ba't girlfriend mo ito?" ang matanda sabay tingin kay Trison.

Namilog ang tingin ng mga boys. Ang pangiti-ngiting si Trison ay nagulat din. Chesca glanced at me, with a curious eyes, then looked at Trison who immediately shook his head.

"Hindi..." tanggi niya, na tila ba ayaw niya itong masaktan.

Tumikhim ako at umiling din agad. "Hindi po, nay!" ngiti ko.

I can taste bitterness in my mouth. Siniko siko na ng mga boys si Trison, pinagkakaguluhan habang natatawa siyang umiling.

"Hindi nga! Huwag kang maniwala, Ches..." masuyo niyang sabi, tila ba iyon lang ang importante sa kanya.

Chesca chuckled softly. "It's fine, Trison."

Namutla si Trison at hinaplos ang batok. The smile was already vanishing on my lips. Oo at hindi naman talaga kami. Pero masakit pala. Kung kailan ko inamin sa sarili ko na crush ko siya, ganitong sampal agad ang bumungad sa akin.

"Ay edi sino ang girlfriend mo? Ikaw ba?" ngiti ng matanda kay Chesca.

"Study first kami, Nay," ngisi ni Trison.

He didn't deny her. But he willingly denied me. Tinutukso na si Trison ng mga boys pero kay Chesca na ata, na hindi ko pinagtuunan ng pansin dahil tumatawa na rin si Chesca.

"Hindi ko naman 'yan tipo, nay," marahan kong tawa nang tingnan ulit ako ng matanda.

Napawi ang ngiti sa labi ni Trison. Nilingon ako ni Chesca kaya tumikhim si Trison.

Bagay naman sila. Hanggang leeg siya ni Trison. Parang sila 'yung couple sa pinterest na western vibes?

"Heto," nangingiting lahad ng matanda sa akin noong binili ko.

I took it and smiled. Kinuha niya ang ketchup at sa gigil, halos pisilin ko iyon ng malakas para malagyan ko ng sauce.

"Hija teka—"

My eyes widened when the ketchup exploded! Tumalsik sa blusa ko, at sa mukha rin! Natatarantang tumayo si Nanay. Kahit ang mga naroon, nakatingin na rin sa akin.

Shit.

May mga iilang natawa. Ang boys ay medyo lumapit pa sa akin, nag-aambang tumulong. Chesca took her handkerchief out worriedly as well, ready to lend a hand.

Naiiyak ako sa totoo lang. Lalo na noong humarap siya at maingat akong hinawakan. Crush ko lang naman si Trison. Hindi ko naman sinabing makikipagkompetensya ako. Pero... bakit masakit? Kung tanggap ko naman, bakit nasasaktan ako?

"Suotin mo muna," ang pamilyar na tinig ni Trison nang maramdaman ko ang paglagay niya ng kanyang polo sa aking balikat.

Doon ko napagtantong hinubad niya pala iyon. Naka puting t-shirt na lamang siya at nakatayo sa likod ko.

String Of Lights (Rebel Series #2)Where stories live. Discover now