Chapter 10

51.9K 1.4K 695
                                    

Crush

Diana has been a consistent teaser since that day. Hindi ko naman sinabing gusto ko talaga si Trison, o isinaboses, lalo na't mortal enemy pa rin ang tingin ko sa kanya. But there's this foreign feeling every time I think of him, and every time the cloud turns gray for a hint of rain, I would always remember him, and it would always make my stomach churn, my heart skip a beat, and my lips stretch for a smile.

"Lika na!" hila sa akin ni Diana sa building ng mga junior high.

Ayoko sanang pumunta, but she's insisting that she wants to help me out with my small problem. Hindi ko naman pinoproblema!

"Lalakad lang tayo kunwari! Dadaan! Tapos siguraduhin mong titingnan mo ha!"

"Paano kung hindi ko makikita?"

"Edi daan ulit! Simple!" she said while
pulling my pulse.

It became a hobby. May araw na lagi naming target iyon at dadaan sa classroom nila. Masusulyapan ko lagi si Trison at mahuhuli niya madalas ang tingin ko.

We would always lock eyes. At sa tuwing nangyayari iyon, parang natutunaw na ang mga paa ko.

Minsan nahihiya ako sa mga kalokohan ni Diana, pero madalas, ako pa ata ang mangyayaya sa kanya na dumaan kami ulit sa classroom ni Trison.

Kaya noong makitang nasa labas ang iilang boys, at isa si Trison na nakahalukipkip sa may pinto at nakikipaghalakhakan sa mga kaibigan niya, parang gusto kong umatras.

"Tayo na. Kunwari hahanapin natin ang pinsan mo," kurot ni Diana sa gilid ko nang mag-amba akong tumalikod.

Iyon pa talaga ang irarason namin eh hindi naman iyon pumapasok! Baka nga nag cutting class pa si Ashtraia!

It was too late to back out because some of his classmates had already glanced at us. Pasulyap-sulyap ako kay Trison na nasa labi pa ang ngiti ngunit nang makita ako, nanatili na ang tingin sa akin.

"Hi boys!" bati ni Diana, mahigpit ang hawak sa aking pulso.

I cleared my throat as I stood behind her. Halos gusto ko pang magtago.

"Hi Diana!" Masigasig ang tinig nila na lagpas nasa lima ata ang bilang.

Noong umahon ang tingin ko, nahanap ko agad ang pagtagilid ng ulo ni Trison, sinisilip ako sa likuran ni Diana.

I swallowed more, wanting to pull Diana away and just run. Grabe ang kalabog ng aking dibdib habang kalmado ang tindig ni Trison, ngunit nangingiti habang nakahalukipkip pa rin.

"Anong sadya niyo?" mahinahong tanong ni Trison.

"Ah... Nandiyan ba ang pinsan ni Ayeselle? Si Ashtraia?" Diana conversed smoothly.

I slowly lifted my head again. Trison tilted his head again, trying to lock eyes with me. Gusto ko nalang atang samaan siya ng tingin sa pinaparamdam niya sa sistema ko!

"Wala 'yun dito lagi. Hanapin mo doon sa soccer field. Baka nando'n," si Trison.

"Pakilala mo naman kami, Diana!" hirit ng ibang boys.

"Hindi niyo ba kilala? Si Ayeselle 'yan, 'yung Ferrarin," halakhak ni Trison.

"Diana! Pakilala mo kami! Kahit shake hands lang!" pilit pa rin ng boys na nagkumpulan na sa kanyang harap.

Umahon ulit ang aking ulo. Nakapamulsa na si Trison, nasa gilid pa rin ng pinto at nakasandal, ngumingiti sa mga lalakeng kaklase, tila naeengganyo sa usapan.

"Oh sure! Ayeselle... halika," si Diana na nilingon ako at nginitian, makahulugan ang titig sa akin.

I smiled and nodded. I am not that shy. Ayos naman sa akin 'yung pinapakilala ako, at nakikipagconverse sa boys. Parang nilunok ko nalang ang hiyang nararamdaman ko lalo na't nandiyan si Trison.

String Of Lights (Rebel Series #2)Where stories live. Discover now