Chapter 12

89.3K 2.3K 1K
                                        

Message

When Monday came, nasa library na kami madalas ni Diana to study about our finals.

"May tutor ako tuwing summer eh. Kaso ewan ko ba, ang bagal kong matuto. Mabilis kasi akong ma-distract."

"Talaga? May tutor pa kayo? Grabe... ganyan ba ma bored ang mayayaman?"

"Lola's idea." I shrugged.

"Nakita ko one time si Donya. Alam mo, I admired her. Alam mo 'yung dark feminine vibe? Gano'n si Donya! Strict. But I really admire her..."

Napangiti ako na ganoon ang tingin ni Diana sa aking Lola. Lalo na't dito sa probinsya, maraming may galit sa kanya. Pero marami rin namang nirerespeto siya at humahanga.

We spent our breaks at the library. Matalino si Diana at ramdam kong hindi siya pabaya sa grades niya. May mga itinuro rin siyang technique sa akin para makabisado ko nang mas madali ang lesson.

"It's the Feynman Technique I learned," she continued explaining. "So if may tutor ka ulit, sabihin mo sa kanya na hayaan ka niyang i-explain mo 'yon sa kanya. Say... parang reverse. Ganoon kasi ang ginagawa ko. Kunwari tinuturo ko sa iba, pero ang totoo, ginagawa ko 'yon para makabisado ko."

Nagulat ako. Kaya pala halos lumalapit ang mga kaklase ko sa kanya at ganado niyang itinuturo. It's the reason why I admire her for being smart because she speaks like she really knows what she's teaching in her own words.

I didn't even notice how fast the days I spent with Diana in the library went by until Saturday came and it was Trison's birthday.

"'Yan 'yung bahay nila. 'Yung katabi sa kinakalawang na gate..." turo ni Diana nang pumunta kami sa isang village.

"'Yang may maliit na pulang terrace?"

"Oo 'yan..."

Tumango ako at nag-ambang lumabas ngunit hinila ako ni Diana. Taka akong humarap sa kanya. Inayos niya agad ang buhok ko na naka half ponytail, at kahit ang aking puff sleeves ng aking dress.

"Dito lang ako. Papanoorin kita."

I nodded confidently. She smirked and looked at the driver who's waiting for me outside.

Lumabas ako at huminga. Malakas ang kalabog ng dibdib ko pero determinado akong bumati at... magconfess.

Medyo maingay ang loob nang maglakad ako sa bahay nila. May mga labas masok na mukhang kapitbahay o kamag-anak siguro.

"Hindi ba't... apo 'yan ni Donya?"

"'Yung pinaka bunso. Oo. Apo niya ata 'yan."

"Kaibigan ni Trison?"

"Baka naman kasintahan?"

"Si Trison po?" I shamelessly asked.

Nangingiting naglakad ang lalake sa akin, medyo nasa forties na ata.

"Bisita ka ba niya? Halika... pasok..." ngiti niya habang binubuksan ang maliit na gate.

Tumango ako at ngumiti. Sinenyasan ko ang driver na sumunod sa akin lalo na't siya ang may hawak noong cake at pinamili kong gifts na naka paper bag.

"Tawagin niyo nga si Trison!" sigaw noong lalake kaya nagmamadaling pumasok ang babae sa loob.

"Rosling! Ang anak mo, may bisitang Ferrarin!" parang inanunsyo na noong ginang sa loob.

String Of Lights (Rebel Series #2)Where stories live. Discover now