Chapter 15

51K 1.6K 491
                                    

Offensive

"Maglakad nalang tayo para may moments kayo. Kukunan ko kayo ng picture sa likod," bulong ni Diana na agaran kong ikinapayag.

I gestured to the driver that we'd walk when he opened the door.

"Sigurado ka?" tanong ni Trison nang magpasya na nga akong maglakad lang.

"Oo."

"Malapit lang din ang bahay namin. 'Tsaka bibili ako ng softdrinks sa tindahan. Baka may gusto ka rin," Trison explained when we started walking again.

"Uy Trison!" ang mga kaibigan niyang kasama sa basketball kanina ang nagsitawag habang nasa likuran namin.

Trison glanced at them, his brow lifting up, but he's smiling as well.

"Girlfriend na ba?" they teased.

Trison just laughed and gestured to dismiss the topic.

"Hi Ayeselle," bati ng iilan niyang kaibigan sa akin, nangingiti.

I smiled. "Hello..."

"Diana. Kumusta kayo ni Conrad?"

Diana only laughed. "Huwag nga kayong chismoso!"

Maingay sila sa likuran namin, nakasunod at naghahalakhakan. I can hear their ongoing teasing, and how they keep mentioning Trison's name. Natatawa ako minsan habang si Trison ay nasa likuran na ng ulo ang mga kamay, nakatingin sa aking reaksyon at ngumingiti rin.

"Uy Trison..." an old lady called him.

"Nay!" masigasig na bati ni Trison at lumapit sa matanda para magmano.

Ngumiti ang matanda sa kanya at napalingon sa akin. His friends were already advancing, passing us by as Diana and I stopped in front of the old lady too.

"Maggo-grocery ba kayo, Nay? Ipatawag niyo lang ako para may magbuhat sa pinamili niyo," he offered.

"Hindi pa naman. Marami 'yung nabili natin noong nakaraan. 'Tsaka pakisabi kay Mama mo na pumunta sa bahay bukas. Narinig ko magpapahanda rin 'yon sabay sa Graduation ni Draven. Para naman may maambag ako," ang matanda.

"Sige nay..." ngiti ni Trison.

Tumingin ulit ang matanda sa akin. Siniko ako ni Diana kaya inabot ko ang kanyang kamay na agaran niyang ibinigay at nagmano rin ako.

"Mano po..."

Diana smiled at the old lady and take her hand. Nakapamaywang si Trison, ngumingiti sa akin.

"Ito na ba 'yon, Trison?" The old lady smiled at him meaningfully.

Trison's eyes squinted a bit as she scratched his back while his lips stretched more.

"O siya... mauna na ako. Kaawaan kayo ng Diyos," she chuckled.

"Ingat, nay..." si Trison.

The old lady nodded and started walking. Hinaplos ulit ni Trison ang aking siko para magpatuloy kami sa paglalakad.

"Grabe Trison. Buong barangay ata kilala mo," Diana said dramatically with narrowed eyes.

"Suki si mama sa labada eh. Suki rin sa mga paninda niya," he smiled proudly.

Iilang hakbang pa, ang mga batang nagtatakbuhan ang nakasalubong namin. Nang isa sa mga batang babae ay nakita si Trison, sumigaw agad.

"Kuya Trison!" she called happily and ran toward him.

Trison crouched until he welcomed her and lifted her up. The cute girl giggled while Trison carried her.

"Naubos mo ba 'yung bigay kong spaghetti? May dasal 'yon ni Hello Kitty," he conversed playfully.

String Of Lights (Rebel Series #2)Where stories live. Discover now