Chapter 18

47K 1.4K 785
                                    

Trigger Warning: Suicide

Lifeless

Noong dumating ako sa bahay nila Trison, pansin ko na bukas iyon. Ilang sandali lang, lumabas ang kanyang mama.

"Ayeselle! Naliligo pa si Trison! Ang bagal bagal! Nabanggit niya may lakad daw kayo?" nangingiti siya nang igiya na ako papasok.

"Opo. Sasama po ako sa pagtuturo niya ng taekwondo sa mga bata sa isang mall."

"Oo. Isa kasi sa trainer 'yan. Halika..." She held my elbow and guided me to the sofa.

"Anong gusto mo? Juice? Meryenda? Kumain kana ba?" natataranta ang tinig niya.

"Ayos lang po. Tapos na po..."

Ilang sandali lang, lumabas si Trison na nakatapis pa ng tuwalya sa banyo at ginugulo ang basang buhok. His eyes widened, and he walked back to the bathroom immediately.

Ngumuso ako nang masulyapan ang topless niyang katawan. And even his back when he turned around looked so firm while the droplets of water trickled down his body, and to his strong thighs.

"Trison! Bilisan mo na riyan!" his mother shouted.

"Ma! Pakikuha nga ako ng damit sa kuwarto ko," he pleaded.

"Ay naku! Ayan ang sinasabi ko sa'yo! Hindi ka pwedeng rumampa lagi dito sa bahay na tanging tuwalya lang ang suot na akala mo modelo ka! Tingnan mo 'yan ngayon, nahihiya ka pa!"

"Crush ako niyan, ma! Sinong hindi mahihiya!" he shouted back.

"Assuming ka talaga!"

I chuckled back because I would always find their conversation funny. His mother went to his room, and went out with a t-shirt and shorts.

Ibinigay niya iyon kay Trison na talagang nagtatago sa banyo at ayaw lumabas.

"Sino bang babae sa inyong dalawa? Si Ayeselle bihis na bihis na. Ikaw, naliligo pa! Sa halip na ikaw ang sumundo... ikaw pa itong sinusundo!" Hampas  ng ina niya sa pinto ng banyo.

Lumabas si Trison na naka shorts na at sinusuot ang t-shirt. Magulo ang basa niyang buhok at isinabit niya ang puting tuwalya sa balikat. Inakbayan niya ang kanyang mama at binulungan.

"Ginayuma ko kasi talaga 'yan, ma..."

Siniko siya ng kanyang ina kaya natatawang dumaing si Trison. Pinaghahampas niya ang likod nito at itinulak patungo sa kuwarto. Natatawang lumingon si Trison sa akin, sumenyas na magbibihis lang.

"Nakakahiya ka talagang bata ka! Ewan ko at anong nagustuhan ni Ayeselle sa'yo!" His mother touched her head like she's just so done with her son.

Kaya habang nagbibihis ito, walang sawa akong inasikaso ng mama niya. Pinagtimpla na ako ng juice kahit hindi ko hiningi at tumabi sa akin.

"Sigurado ka bang hindi ka pinapagalitan ng parents mo na pumunta dito?" she clarified while looking at me worriedly.

Umiling ako. "Hindi po..."

"Eh nasa Maynila ang parents mo, hindi ba?"

I nodded slowly.

"Bata ka pa, Ayeselle. Kayo ni Trison. Sigurado kana ba talaga sa anak ko?"

There's something about the way she asked that made her sound so bothered.

"Nag-usap po kami ni Trison na magdahan dahan po muna. At ayos lang po sa akin ang gano'n. Hindi ko rin po intensyon na i-distract siya sa pag-aaral niya."

String Of Lights (Rebel Series #2)Where stories live. Discover now