Chapter 4

50.7K 1.6K 663
                                    

Enemy

I got so distracted that I felt like I was really doing it wrong. Napapansin kong napapatingin siya ngunit hindi niya na ako pinupuna. My other classmates noticed my mistakes too, and I can hear them whispering behind me.

"Nawalan tuloy ng gana punahin 'yung mali niya. Ayan kasi nagmamarunong."

"Ano 'yang pinag-uusapan niyo sa likod?" From the top!" puna ni Trison kaya muli kaming umulit.

"Watch your hand movements," puna niya sa isang kaklase naming babae na pangatlong beses na ata iyon.

"Sorry guys..." ngiti niya sa amin.

My classmates didn't make too much comment about it, sa halip, natawa lang din sila at sinabi ng iilan na ayos lamang. I can feel the unfair treatment of my classmates toward me. Pag ako ang nagkamali, parang ang laki agad ng galit. Ngunit pag-iba, ayos lang.

I purposely made another mistake to see if Trison was willing to correct me. I noticed how his eyes went to me like a hawk that caught a fish in the sea but dropped it back to set it free. Hindi niya nalang ulit pinuna kahit lantaran niya akong nahuling nagkakamali.

It created a hollow feeling in my stomach. Ako ang naunang umalis sa gym pagkatapos ng aming class hour sa P.E. Dumeritso ako sa faculty room, kay Sir Hernandez.

"Ayaw mong sumali sa practice?" lito niyang tanong nang ilabas ko ang hinaing ko. "Tungkol ba ito kay Alcaraz? Humingi kana ba ng patawad sa kaniya?"

"Ah... opo. At mukhang galit pa po siya sa akin, kaya gusto ko po sana na ako nalang ang magturo sa sarili ko. Nasa YouTube naman po 'yung basic movements."

Sir Hernandez looked at me critically.

"Mas makakatulong pa rin kung alam mo saan ka nagkamali, Ferrarin. Alcaraz has been a professional martial arts trainer since he was in eight grade. He's one of the skilled students that can guide you through the basic movements of Taekwondo."

Hindi ako makasagot. He sighed and closed the book he was reading.

"Gusto mo bang dalhin ko nalang ito sa guidance office nang mapag-usapan niyong dalawa ang problema niyo sa isa't isa—"

"Huwag na po!" agap ko.

"Sigurado ka ba? Dahil mukhang hindi pa kayo maayos."

Agaran akong umiling. "Ayos naman po kami."

His brows furrowed more. "Then what's the problem? Kung ayos naman pala kayo... anong problema?"

Telling him about the mistreatment of my classmates towards me will just fuel their hatred for me. Baka mas lalo akong tuksuhin at asarin na papansin lamang o sipsip sa guro dahil nagsusumbong ako.

"Baka naman crush mo si Alcaraz kaya nahihiya ka?" ani Sir Hernandez kaya namilog ang aking mga mata.

"Hindi po!"

"Hmm... Alam ko na normal naman 'yang magkaroon ka ng crush, but learn to set it aside, Ferrarin. Dapat inspired ka nga eh," patuloy ni Sir at ngumiti pa.

Umiling ako at namula. Nang makita niya ang aking reaksyon, mas lumawak ang ngiti niya.

"Titingnan ko kung anong magagawa ko. Pagsasabihan ko si Alcaraz na hindi ka masyadong pansinin para hindi ka mahiya."

"Hindi po gano'n, sir!" I continued, but it seems like he's not buying my words.

Sa huli, bumuntonghininga na lamang ako. Ako magkakacrush kay Trison?! He's just too far from my standards for boys! Ugali niya pa lang, hindi na pasok! At sa lahat ng lalakeng magugustuhan ko siya pa? I'd rather date my lola's type of boys!

String Of Lights (Rebel Series #2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu