Chapter 7

48.9K 1.5K 538
                                    

Bad

When tomorrow came and the next thing I saw was Diana's critical gaze, I immediately had an idea why she was looking at me like that.

It's familiar to me. Hindi naman ito ang unang beses na napapaaway ako dahil lang nagugustuhan ako ng lalakeng gusto nila. I don't know why they're always blaming me for that instead of blaming the boy.

Impossible 'yan, Ayeselle. Unless you're the boy then you might not get hate at all.

Sinikap kong hindi iyon pansinin lalo na't alam ko naman na wala akong... gusto kay Trison. He's just trying to teach me the martial arts, and he's also concerned about what happened with my cheerdancers.

Sa gilid ng aking mga mata, nahuhuli ko lagi ang pagsulyap niya. I tried to ignore it by avoiding her gaze. Ngunit noong lunch break na, nang nagsitayuan na ang mga kaklase ko, tumayo siya at lumapit sa akin.

"Anong meron sa inyo ni Trison?" she asked curiously as she crossed her arms.

Inaayos ko pa ang mga gamit ko at pinapasok iyon sa aking bag nang bumagal dahil sa tanong niya.

"He's just teaching me the basic movements of taekwondo." I explained carefully.

"Eh bakit kayong dalawa lang? By group, ah?" I can sense that she's insinuating something.

Hindi agad ako nakasagot lalo na't kung iisiping mabuti, nagkusa naman si Trison na turuan ako. As if I forced him, right?

"Gusto mo ba si Trison?" she immediately asked, cornering me.

My eyes narrowed. I shook my head immediately. Ang tingin niya ay nanghuhusga at may pinapahiwatig.

"Pwes gusto ko siya. At nagbabalak akong umamin sa kanya," she said in a confident tone.

I nodded slowly and smiled. "Then goodluck."

She looked at me as she weighed my expression. Tumalikod siya at naglakad na ngunit tumigil sa kalagitnaan at nilingon ako.

"Wala kang gusto sa kanya?" ulit niyang tanong.

Hindi agad ako nakasagot lalo na't nasagot ko naman iyon sana kanina. When it took me seconds to answer it, she hastily walked towards me again, her eyes leering at me.

"May gusto ka sa kanya? Oo o hindi?"

"Hindi," agaran kong sagot.

She rested both of her hands on my desk, her body crouching a bit so our eyes would level. Lalo na't nakaupo pa ako sa aking upuan.

"Wala kang atraso sa akin. At wala akong pakialam kung Ferrarin ka. Pero kung gusto mo si Trison, lumaban ka ng patas sa akin. Babae sa babae. Ayokong pinagsisinungalingan ako, pero ahas pala."

My eyes narrowed more.

"Hindi ko naman siya gusto," I said in a more clear voice.

Her face calmed down. She nodded.

"Palalampasin ko pa na lumalapit ka sa kanya. Pag kami na, lumayo kana dapat," she said with confidence.

Oo naman. Why would I even stick with Trison if he's taken?

"Hindi naman kami magkaibigan para dumikit ako sa kanya," giit ko.

Diana leered at me again as she crouched more, her face zooming in as she looked at me with so much judgment. Bumaba ang tingin ko sa labi niya at halatang nag lip gloss siya kaya makinang. I also noticed that her brows were done properly. And even her thick lashes are a bit curvy.

"Hindi kayo magkaibigan? So ano?  Naglalandian kayo?"

"Hindi!" agap ko. "We're enemies!"

"Enemies? Kayo lang ata ang enemies na kilala kong romantic! Pinagsisinungalingan mo talaga ako!"

String Of Lights (Rebel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon