Chapter 6

50.1K 1.5K 548
                                    

Girlfriend

What happened bugged my mind for a long time. Kahit noong dumating na ang aking sundo at nakauwi na, tulala pa rin ako sa loob ng banyo nang magpasyang maligo.

I felt so dirty that I wanted to peel off the skin where they touched me. Natuyo na ata ang aking luha at pagod na ang mga mata kong umiyak.

Sure, I could sue them for harassing me. But I am worried for Lola's reaction and her decision once she finds out about it. They're minors. Paano kung ipakulong nga ni Lola at magalit ang pamilya nila sa amin? I don't want more complications. Ayoko nang palalain pa ang sitwasyon.

Isa pa, ayoko ring kumalat sa school ang nangyari. Alam ko naman na walang maniniwala sa akin at gagawin pa iyong katatawanan ng iba. Oo at lapitin kami ng boys, my sister has a lot of suitors, some of whom were mine as well, but I don't entertain them because I am not into relationships just like my cousins.

Kaya baka sabihin lamang ng iba, hindi naman ako hinipuan at ako pa ang masisisi dahil ganoon naman talaga kaming Ferrarin, na lapitin ng lalake kaya laging nasa amin ang maraming nasasabi.

Kung sasabihin nilang inakit ko, paano nila ipapaliwanag na habang practice pa iyon nangyari!

I hugged my legs and rested my chin on my knees as I closed my eyes. Ngunit mabilis ding mapadilat nang narinig ko ang sigaw ni Trison sa aking isip.

Ngayon na mag-isa na lamang, bumalik sa aking isipan ang ginawa niya. I forgot to thank him.

He stood up for me. He became my voice. Oo at madalas kaming mag-away, idagdag pang irita kami lagi sa isa't-isa, pero hindi ko inaasahang ganoon ang magiging hakbang niya nang magsumbong ako.

His gray eyes flashed in my mind with a hint of anger. Parang kumukulog na langit ang mga mata niya dahil sa matinding galit kanina.

After taking a bath, hindi na ako nakasabay pa sa dinner at sinabing may marami na lamang na gagawin, such as assignments and projects, when I just want to avoid Lola's critical eyes.

Hindi ko alam kung ano ang tamang gawin ngunit nang sumapit ang umaga; ang agaran kong ginawa ay pumunta sa faculty room kung nasaan si Mrs. Hernandez para sabihing hihinto na ako.

"Bakit ka hihinto?" taka niyang tanong at halos bumagal ang ginagawa niya sa kaniyang desk.

I looked at the papers she's scanning first and then looked at her again.

"Uh, may activity pa po kasi kami sa P.E. at kailangang aralin'yung martial arts? Hindi ko na po maisingit ang practice."

She looked unconvinced, but I could sense her opposition to my decision.

"You are one of the good dancers I have, Ferrarin. Sana ay pag-isipan mo itong mabuti."

Umiling ako. "Desidido na po ako, Ma'am."

The reason I participated as a cheerleader was because of the extra grade I would receive if you were also a part of it. And since I am good at dancing, sinubukan ko na rin. Kaso nga lang, ayoko namang magpatuloy kung ganoon ang magiging trato nila sa akin.

Maybe I would just ignore Trison as well. Alam kong makikita ko siya mamaya sa practice para sa martial arts namin, pero sisikapin kong huwag nalang iyong mapag-usapan pa.

I was on my way to my classroom when I saw his familiar physique while he was resting his elbows on the railings of the corridor while munching some bread. Papaubos na iyon habang malayo ang tingin niya.

Sinikap kong maglakad nang hindi niya napapansin ngunit nahuli pa rin. He glanced over his shoulder while I noticed his damp hair and the unbuttoned polo uniform, revealing his white t-shirt. Tumikhim ako at medyo binilisan ang aking lakad. He flipped his position and leaned against the railings, while his other hand pulled something out of his pocket.

String Of Lights (Rebel Series #2)Where stories live. Discover now