Chapter 9

48.6K 1.7K 525
                                    

Falling

"I need a room," sabi ko kay Mrs. Ruiz, Lola's right hand when it comes at handling the hotel.

Kuryoso niyang tiningnan ang aking kabuuan. May laman din ang titig niya at para bang may naglalaro sa kanyang isip kaya ako ngayon nandito.

Alam ko naman kung ano ang rason lagi ni Abrielle kaya napapadalas iyon dito. Hindi niya na isinaboses ang nasa aking iniisip at siya na mismo ang kumausap sa front desk, kinuha ang susi ng aking magiging kuwarto saka ako sumunod sa kanya.

"Please tell my Lola I am not coming home tonight. At pakisabihan din na gusto kong ipadala nalang dito ang iilang gamit ko such as bikinis and comfortables clothes," sabi ko.

Tumango si Mrs. Ruiz, binuksan ang pinto para sa akin, at iginiya ako papasok. She took a presidential room for me. Ayos lang naman kahit ordinaryo lang at hindi gaano kalakihang room pero dahil wala na akong lakas para magtanong pa, pumasok nalang ako.

"Ipapadala ko rito ang dinner mo. Kumain kana ba?"

I shook my head. When the party started, hindi man lang ako nakakain doon dahil na rin na distract sa mga bisita, sa mismong party, at ang mapanuring tingin ni Mommy sa akin.

Ngayon ko lang din naramdaman ang gutom kung hindi iyon tinanong ni Mrs. Ruiz sa akin.

Noong mapag-isa na, pagod akong umupo sa sofa at kinuha ang remote para i-on ang tv. I need some noise, at least.

Saktong natapat iyon sa isang channel at may palabas kaya pinanood ko iyon saglit, pilit kinakalimutan ang naging usapan namin ni Mommy.

It was the first time I talked back, the first time I stood up for myself because she's already too much.

Hindi ba purket ina ko siya, kailangan bang manahimik na lamang ako lagi kung ganoon na ka sakit ang binibintang niya? Why can't they handle disrespect when they're the ones who do it first?

Ilang sandali lang, dumating din naman ang room service kasabay ng pagdating din ng pinahatid kong mga damit para may magamit ako.

Kinuha ko ang aking bikini at dinala iyon sa pool area para doon na magmuni-muni. Nagbihis ako ng puting two piece bikini saka rin umupo sa lounger habang yakap yakap ang aking mga hita nang may makita akong pamilyar na pumasok.

My eyes slowly narrowed when I saw Diana in her black two-piece bikini as she combed her long hair. Sa kanyang balikat ay may nakasabit na puting tuwalya.

Nagtama ang aming tingin. Ang paglalakad niya ay natigil at namilog ang kanyang mga mata, ngunit agaran ding nakabawi.

Naglakad siya patungo sa lounger. Binawi ko ang tingin at itinuon sa pool, mabilis na pinalis ang luha, at baka mapansin niya pa iyon.

She dropped her white towel on the lounger beside mine. Umupo siya at pahilig na ipinagkasya ang sarili sa kabuuan noon. She crossed her arms and glanced at me.

"This is your clan's hotel anyway. Talagang imposibleng hindi ako makakakita ng Ferrarin dito," aniya.

Hindi ako sumagot habang naiisip kung sino ang kasama niya. Baka... si Trison? Pero anong ginagawa nila rito sa hotel?

And... what could be the reason why they decided to check in? Yes, they're lovers, but it's really giving me some other ideas I shouldn't be thinking about.

"Are you crying?" She sounded pissed.

Hindi ako umimik. Umahon ang pagkakahilig niya sa lounger at sinilip talaga ang aking mukha. I tilted my head so I could hide my face, but she just gasped.

String Of Lights (Rebel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon