Chapter 8

46.2K 1.4K 230
                                    

Watch

I snatched my card as soon as he got distracted as well. Namilog ang kanyang mga mata habang naglalakad na ako pabalik sa naghihintay na tricycle. Sumusunod na si Trison sa akin.

"Mag-usap nga muna tayo," rinig ko siya sa likuran.

"Nag-uusap naman tayo ah? Just say it already instead of prolonging it!" giit ko habang natatanaw ang mga tricycle driver na nagiging alerto na.

"Bulaklak 'di ba ang gusto mo?"

I gasped.

"Kalimutan mo na nga 'yon! Ayoko nga! Lalaki lang ang gulo at gusto ko na iyong kalimutan!"

Hinigit niya ang braso ko hanggang muli akong mapaharap sa kanya.

"Huwag mong palagpasin 'yon—"

"Fine! I will tell the guidance office, but you must also stop talking to me! And stop bugging me!" sigaw ko sa sobrang iritasyon na ikinatigil niya.

Doon ko lang din napagtanto ang isinigaw ko. Ang kulit niya kasi! Seryoso ang titig niya habang natitigilan na rin ako.

I sighed and shook my head. Nag-aambang maglakad ulit nang magsalita siya.

"Deal."

My shoulder slowly loosened. Of course. Ano ba naman iyong hindi kami mag-uusap, 'di ba? Na hindi na kami magpapansinan? Besides, we are not friends. We just got tangled up in each other's issues. Nagkakainitan lang, kaya naging madalas ang pagtatalo namin.

And now that he has a girlfriend, alam kong benefit naman 'yon sa kanya.

"Ituturing kitang hangin. Hindi kita papansinin. Titingnan. O kakausapin. Pero siguraduhin mong gagawin mo ang tama."

I stopped and swallowed hard. I gritted my teeth while the cold wind blew against me. Dumaan siya sa aking gilid, deritso ang tingin sa harap habang nakapamulsa.

"Pag naulit ulit ito, ako na mismo ang gagawa ng paraan kung hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo. Wala akong pakialam kung ikakapahamak ko iyon."

Mariin akong pumikit nang marinig ko ang tinig niyang iyon kahit nasa bahay na ako. Hindi ko ma explain kung bakit sobrang frustrated ako.

But I gave my word to him. I'm torn. Ayos lang naman kahit hindi na kami mag-usap lalo na't makulit siya at ayoko nang nasasangkot sa kanya lalo na ngayon na pinag-iinitan ako ni Diana.

Besides, he's right, Ayeselle. You should punish those students who harassed you. Aanhin mo nga naman ang sasabihin ng ibang tao sa'yo kung kapalit noon ay pagkimkim sa pambabatos na natanggap mo.

Kumatok ako sa pinto ni Lola. Noong marinig ko ang tinig niya sa loob na pinapapasok ako, binuksan ko iyon.

I saw her at the table while she was busy reading some documents. Probably the hotel's...

"Lola," I called.

"What is it, Ayeselle?" tanong niya nang hindi man lang makatingin sa akin.

"I'm, uh, having trouble in school," I confessed.

Natigilan siya habang nanatiling nakayuko ang ulo, ngunit ang mga mata ay umahon at halos lumagpas ang titig sa suot niyang salamin sa akin nang tingnan ako, tinitingnan kung hindi ba si Ashtraia ang pumasok.

Well, if it's Ashtraia, she won't bother telling it to our grandma. And if it was Arkaine, she would take care of it instead. Si Abrielle naman, ilap sa mga issues dahil wala ring pakialam.

"What trouble? Boys?" she insinuated, as if we are always getting into trouble at school because of it.

"Uh... someone..."

String Of Lights (Rebel Series #2)Where stories live. Discover now