Chapter 20

46.5K 1.3K 394
                                    

Trigger Warning: Mention of Suicide

Attempted

Tulala ako sa sumunod na araw. Hindi ko alam kung paano nakauwi lalo na't masyadong umukit sa aking isip ang nangyari na kahit nasa bahay na, umiiyak pa rin ako.

I love his mother so much. She sheltered me for a short period of time, treated me like a daughter, and celebrated my small wins, which made me feel like my efforts for the past few months were finally worth it.

It was she who congratulated me with a warm smile and told me that it deserved a celebration because it wasn't just a top two. Na hindi lang iyon basta basta. At hindi dapat minamaliit. Dahil sa likod noon ay ang dugo at pawis ko sa pag-aaral, ang pagsisikap ko, at ang pagod kong sa wakas ay nagbunga rin.

It was Trison's mom, who became my mom for a short period of time, who showered me with the genuine love of a mother.

Kaya hindi ko matanggap, na kung kailan may umakay sa akin, kung kailan ipinaramdam sa akin ang pagmamahal ng isang ina, agaran namang binawi.

I hugged my pillow as I buried my face and cried painfully. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, pakiramdam ko ay itatakwil ko ang sarili kong pamilya kung nalaman kong si lola nga ang tumulak sa kanya para gawin iyon.

I don't want to accuse my grandmother of being that evil. I don't want to jump to conclusions. I want her to explain to me what has happened, that she would talk to me and ease my mind that it wasn't her fault, but as I waited for an answer, the silence was so defeaning that I'm starting to think she had done a terrible thing.

"Pasado alas tres y media ng hapon, natagpuan ng sariling anak na ang nakabigti niyang inang si Roselia Selene Alcaraz, o mas kilala bilang Rosling sa Barangay na ito, dito mismo sa tapat ng kinatatayuan ko, kung saan bumungad ang trenta anyos na si Rosling na nakatali sa isang electrical cord, at mukhang lumalabas sa imbestigasyong nagpakamatay. Ayon sa mga kapitbahay, at malalapit na kaibigan, problemado raw ang biktima sa mga nakaraang araw at marahil ay iyon ang nagtulak upang magpakamatay ito sa sariling pamamahay..." the newscaster in her late twenties reported early in the morning as I watched the television.

The camera showed the yellow tape being put in places as some of the police were roving, as if they were investigating the places more to find some evidence.

Nakita ko ang crowded na labas ng bahay na mga pamilyar sa akin, mga tagaroon na nang-uusisa ang tingin habang tanaw ang police mobil na nakapark at umiilaw pa, ganoon din ang iilang pulis na nagkalat.

"Nandito si Lieutenant Colonel Chavez upang idetalye sa atin ang tunay na nangyari. Sir," saka niya tinapat ang mikropono sa pamilyar na pulis na seryosong nakapamaywang at tumitingin tingin sa bahay, umukit ang awa sa mukha.

"Tinitingnan na namin ang bawat anggulo kung meron bang foul play o talagang nagpakamatay ito lalo na't meron ding suicide note at nagmatch sa biktima ang sulat-kamay na iniwang papel na nahanap namin."

The picture of the paper flashed on the screen of the television saying. 'Anak, pagod na ako.'

Nanginig ako at tinakpan ang aking bibig.

"At ayon din sa lumabas na autopsy, namatay nga sa kawalan ng hangin ang biktima mga bandang alas tres..." the police stated.

Mariin akong pumikit at halos mapaupo sa sahig habang humahagulhol sa dalawa kong palad. We were almost on our way home... almost there...

"Bukod doon, patuloy ang imbestigasyon namin kung may kinalaman ba ito sa asawa niyang parte ng malaking sindikato, na isa sa aming person of interest na iimbistigahan. Ngunit sa ngayon, mas lumalabas na nagpakamatay nga ang biktima sa pamamagitan ng pagbibigti," the police officer continued.

String Of Lights (Rebel Series #2)Where stories live. Discover now