Chapter 16

50.1K 1.5K 584
                                    

Problem

Alice was a bit shocked at how Trison's tone was a bit serious and full of alertness to shield me, as if he saw the signals that she was attempting to throw some bombs and Trison had caught it while she was still plotting it.

"Wala naman..." Alice was a bit taken aback; her face calmed down, and she looked at me in a more curious way.

Diana remained alert to her as well. Alam ko naman iyon. Kanina pa, doon pa lamang sa court. She's hostile. Her eyes hold judgments. And I can sense she doesn't like me.

Ngunit wala naman siyang ginagawa sa akin kaya hindi ko rin agad mahusgahan. Knowing she's Trison's friend, maybe she just cares for him too. She's worried since my family's background is not something else. We have a lot of ugly rumors here.

Biglang pumasok ang ina ni Trison at ganadong itinapat sa amin ang kanyang Android na phone.

"Tingin kayo dito! Ngiti kayo!" she urged us playfully.

We all looked at the camera and smiled. Tiningnan niya ang kuha niya at nakangiti na roon.

"Trison! Ayeselle! Halika! Tumayo kayo rito sa dingding! Kukunan ko kayo ng picture!" senyas ng kanyang ina.

"Ma!" saway ni Trison at nagkamot ng batok.

"Sige na! Para pag graduate niyo, maisama natin ito sa album! Collections!" his mother urged.

I stood up because I was eager. Diana would always give me a smile every time I did something shameless. Tumayo na rin si Trison habang tumitingin sila sa amin na naglakad na roon sa dingding na tinutukoy ng mama ni Trison.

We stood on the plain white wall. I put my hands behind me as I glanced at Trison, who was still scratching his back shyly.

"Tingin dito sa camera!" his mother called.

We both looked at the camera. I smiled a little while Trison stretched his lips for a little smile too.

Nakailang click siya. Noong tingnan niya ang kuha, ngiting ngiti siya.

"Ang ganda nito ipa-frame anak! Ilagay mo sa kuwarto mo!" his mother showed the screen of her phone.

We both looked at the photo. It looked cute because Trison and I looked so shy. Tiningnan ulit iyon ng kanyang mama at muling tumingin sa akin.

"Curious talaga ako dyan sa pisngi mo. Hindi klaro dito sa picture, pero ano ba ang tawag diyan... sa ano... mga tuldok sa pisngi mo?"

Trison glanced at my face too. Kinapa ko pa iyon hanggang napagtanto ang tinutukoy niya.

"Ah... freckles po..." I pointed out.

"Oh freckles... May lahi kayong mga Ferrarin 'di ba. Iba rin kasi ang kulay ng mga mata mo. Parang gold na halos..."

"Opo. Half Russian at half Spanish po ang mga Ferrarin..."

"Ah... kaya naman pala ang ganda ganda niyo. Ikaw mukha kang anghel. Tapos dito ka mahuhulog?" she pointed at her son.

"Grabe ma... Sino bang anak niyo rito? Si Ayeselle o ako?"

His mother chuckled while giving the phone to Trison.

"Picture-an mo rin kami ni Ayeselle. Para naman maipakita ko sa mga kumare ko kung gaano ka ganda itong future girlfriend ng anak ko," his mother said shamelessly.

Napatingin ako kay Diana na halos umabot sa tainga ang malawak na ngiti. Ayoko nalang lingunin si Alice lalo na't pumwesto na agad ang mama ni Trison sa aking gilid at ikinublit ang kamay sa aking kamay.

String Of Lights (Rebel Series #2)Where stories live. Discover now