Chapter 19

42.4K 1.5K 643
                                    

Trigger Warning: Suicide

World

Her swollen bloodshot eyes were wide open as she looked like she battled death but failed to save herself. Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang natatarantang tumakbo si Trison sa kanyang ina.

"Ma!" sigaw niya at nagmamadaling pinatayo ang upuan saka siya sumampa roon, inangat ang kanyang ina gamit ang isang kamay, at ang isa naman ay kinakalas ang tali sa kanyang leeg.

Tumakbo ako at mabilis na tumulong kahit litong lito ako at hindi alam ang gagawin dahil sa kalabog ng aking dibdib. Hinawakan ko ang mga binti niyang nakasabit habang hirap si Trison na alisin ang cord, hindi ko alam kung masyado bang mabigat ang kanyang ina, o sa naluluha niyang mga mata, hinang hina na siya.

"Ma!" tawag ni Trison sa namamaos at nababasag na tinig.

"B-Bakit ganito?" my voice immediately broke as I lifted my head while Trison pulled the cord out of her swollen neck.

Nasulyapan ko ang natuyong luha sa mukha ng kanyang ina, tila ba umiiyak siya bago nalagutan ng hininga at nawalan ng malay.

For the first time, fear succumbed to my body. I realized how much I don't want to lose a loved one. Nor to experience mourning for the life I lost.

When he successfully took her out of the electrical cord, he carried her, and we ran outside immediately.

"Tulong! Si mama!" he shouted as his voice mingled with the heavy pouring rain.

Iginala ko ang aking nanlalabong tingin habang hawak ko ang dulo ng t-shirt ni Trison. Nanginginig ang labi ko at nagbabagsakan ang mga luha ko. Trison would always look at his lifeless mother, whom he carried into his arms. I was shaking, unable to do what was right.

"Ma!" tawag ni Trison sa nababasag na tinig. "Huwag ganito, ma..." His lips trembled as he panicked.

Walang tao sa makulimlim na paligid. Maingay dahil sa ulan. Ngunit nang may dumaang tricycle at nakita kami, agaran ko iyong pinara at mabilis ding huminto.

"Jusko! Anong nangyari, Trison?!" ang mga matatandang nakasakay ay lumabas.

"Rosling!" halos natatarantang tawag nang lumapit sa amin.

"Isugod natin sa ospital, Trison! Sakay na!" the driver shouted.

Mabilis ang pagpasok ni Trison sa likod ng tricycle. Sumunod ako at inukupa ang harap. Kumaripas agad ng takbo ng tricycle habang napapalingon sa amin.

"Ma..." tapik ni Trison sa kanyang pisngi. "G-Gising, ma... huwag ganito..." daing niya habang sunod sunod ang bagsak ng luha niya.

I cried with Trison as I held his mother's lifeless hand. Inilagay ko iyon sa pisngi ko at halos maramdaman kung gaano iyon kagaspang, sugat sugat, marahil sa kakalaba.

"Tita..." I called weakly.

Trison's shoulder trembled. Sunod sunod ang hikbi niya nang mariing pumikit at idinikit ang noo sa noo ng ina.

"Ma... gising... hindi ko kaya, ma... parang awa mo na... huwag ganito..." Trison cried helplessly as he hugged his mother.

"Gising po...." I whispered breathily as my tears continuously fell.

Umiling si Trison, paulit ulit. "Hindi... hindi ko 'to matatanggap, ma! Huwag ganito!"

I tried to check her pulse, but it only disappointed me when I failed to locate her heartbeat. Mas lalo akong nanlumo sanhi para magbagsakan lalo ang mga luha ko.

"Ano ba kasing nangyari, Trison?!" sigaw ng driver na binalot na rin ng pag-aalala ang mukha.

Tanging iling lang ang nagawa ni Trison, mahigpit ang yakap sa ina, nakadikit ang noo sa kanyang noo, at paulit ulit ang bulong habang umaagos ang kanyang luha.

String Of Lights (Rebel Series #2)Where stories live. Discover now