Chapter 24

45.1K 1.8K 1K
                                    

Ease

"Ayeselle!" ang pamilyar na mga kaklase ni Diana ang biglang nagkumpulan sa harapan ko.

"Yes?" kuryoso kong tanong, lalo na't sa mga mukha nila, para bang problemado sila.

"Nagkakausap ba kayo ni Diana?" they asked in chorus.

Kunot-noo akong tumango. "Oo naman. We're roommates."

"Pakisabi naman sa kanya na pumasok siya! One week na siyang absent! Ang rami raming gagawin! Kung hindi siya magpapakita, tatanggalin namin siya sa grupo!"

"Naaantala kami dahil sa kanya! Dahil sa parte niya! Kaya kung hindi pa rin siya magpapakita bukas, talagang mapipilitan na kaming alisin siya!"

Mas lalong kumunot ang noo ko. Oo at may mga araw na hindi kami nagkakasabay umuwi, o nagkakasabay pumunta sa school, pero nagigising naman ako na nasa kama na siya.

At halos isang linggo na siyang pumapasok?

I confirmed that it wasn't just her minor subjects, and she's also not attending her major subjects. Kung ganoon... ano 'yung alibi niya na busy siya dahil maraming reports at activities?

Ako:

Where are you?

Diana:

I still have my class. Why?

To confirm it, I went to her subject for that hour. Lakas loob akong dumaan sa classroom at nakita sa bukas na pinto ang mga estudyante roon. And there, her seat is empty!

She's... lying.

What's happening? We're in our fourth year of college. Graduating! Anong nangyayari sa kanya?

Ako:

What subject? Wala ka sa classroom

She didn't reply anymore. I tried to wait for her at our usual place so we could at least go home together.

Ako:

Let's go home together.

Ako:

Nasa usual spot ako.

The place was slowly getting dark. Kanina pa dapat 5PM natapos ang klase niya ngayong Biyernes. Pero 7PM na, wala pa rin siya.

Noong magbeep ang aking phone, napatayo ako nang makita ang text niya.

Diana:

I'm sorry and thank you for being a good friend.

Mabilis ang takbo ko sa parking lot, halos natatarantang ipasok ang susi ng aking kotse, at pinaharurot iyon pauwi sa condo.

My heart was pounding so hard. Hindi ko alam pero masama ang kutob ko. Lalo na noong dumating ako sa unit at nagkukumahog akong pumasok sa kuwarto, at nakitang wala na ang mga gamit niya, nanghina ako.

I immediately clicked her number and tried to call her, but it seems like she turned off her phone, and worst of all, she changed her number.

"What's happening, Diana?"

May mga c-in-ontact ako para sabihin sa akin kung nasaan siya. I informed her classmates to message me if they saw her.

Hindi ko na ata mabilang ang palakad lakad ko sa loob ng aking unit. Sa halos tatlong oras na naghihintay ng may magreply, nang may magsend sa akin ng picture niya, nalaglag ang panga ko.

I immediately went to the place to confirm if she was there, and I really saw her.

"Hello, Ma'am. What's your order—" Natigilan siya at kahit ang ngiti ay napawi nang mag-angat ako ng tingin.

String Of Lights (Rebel Series #2)Where stories live. Discover now