Chapter 13

48.5K 1.7K 1.4K
                                    

Drowned

Trison cleared his throat and walked me to the back of their house, which is the garden. Pinagpagan niya ang upuan doon at sinenyasan akong maupo. May ilaw naman, pero hindi ganoon ka tingkad. But still, we both illuminated.

"Pasensya na. Daming tao kanina. Pag birthday ko kasi, marami talagang pumupunta na mga kaibigan ni Mama... nag-aambagan din ang iilan." Hinaplos niya ang batok at nahihiya ang tingin sa akin.

"Ang dami ngang tao, pero ayos lang naman. They're all friendly," sabi ko nang umuupo na.

Namulsa siya at bahagyang pinisil ang pang-ibabang labi, ang isang kamay ay nasa baywang.

"Kakalat 'yan na pumunta ka. Hindi ba magagalit si Donya sa'yo?" he asked.

I shook my head.

"Mabait si Mama," agap niya, na tila ba may kahulugan iyon.

"Ramdam ko nga..." I smiled.

He sighed. Binasa niya ang labi, namulsa at bahagyang iniyuko ang ulo, nakatingin sa paanan. He looked occupied, probably because he read what was written on the cake.

When his head slowly rose up, his eyes looked at me in a gentle way, weighing my reaction.

"Hindi na dapat tayo nagpapansinan ah?" angat ng kanyang kilay.

"Eh, bakit pinapansin mo ako pabalik?" angat din ng aking kilay.

Ngumuso siya, napapikit at medyo natawa nang mapagtantong isa rin siya.

"Binali mo eh," he smirked as he let his fingers graze into his hair, gripping it a bit.

"Edi, nabali ka naman?" I tilted my head, willing to corner him.

His lips were twitching for a smile as he controlled them.

"Tigilan mo 'yan," saway niya ngunit nangingiti.

Tumayo ako at nakangising inilapit ang aking mukha sa kanya.

"Tsss..." Nangingiti niya akong hinawakan sa balikat. "Umupo ka nga. Kumalma ka," giit niya.

Tumawa ako at umupo ulit. Huminga siya, namaywang muli sa dalawang kamay at binasa ang labi. He looked so bothered. I guess he knows what's happening.

"Totoo 'yon," sabi ko nang mapag-usapan na namin ang bagay na 'yon.

"Kailan lang?" taka niyang tanong.

"Uh..." I pinched my lower lip while thinking deeply.

"Pag ako niloloko mo." His voice thickened as he looked at me sharply.

Umiling agad ako. "Totoo 'yon. Crush kita."

His eyes widened. His jaw dropped as his Adam's apple waved when he gulped. Huminga siya at nahilamos ang mukha.

"Gago... bakit ako?" he groaned.

My shoulder loosened. "B-Bakit hindi ikaw?"

"Tingnan mo nga ako. Baka nagkakamali ka lang eh."

I scanned him slowly. Tiningnan niya din ang sarili niya.

"Bagay naman tayo pero... sa estado..." he sounded disappointed.

"Bagay tayo?" Ulit ko nang tingnan ko siya, namimilog ang mga mata.

"Sa estado, hindi. At ayoko ngang mag girlfriend 'di ba?" Kumunot ang noo niya.

I looked at him slowly.

"Bakit? Sino bang gusto mong girlfriend? Si... Chesca?"

His eyes widened. "Hindi ko siya gusto."

String Of Lights (Rebel Series #2)Where stories live. Discover now