Chapter 17

46.9K 1.3K 125
                                    

Weapon

Diana:

Bumalik pala ako sa bahay nila Trison. Naiwan ko itong phone na naka charge! Pauwi na me :*

Ako:

Ingat :* Pahatid ka kay Trison. It's already late.

Diana:

Luh! Ma issue pa kami hmp kaya ko naman. Labyu!

Ako:

I love you! :*

I smiled at Diana's text that night. Hindi mabura ang aking ngiti kahit noong nasa dinner na. Ashtraia is planning to go to Cebu because she says she's bored here. Baka bukas, umalis na siya.

Ang nasa isip ko lang ay ang sinabi ni Trison na lakad namin. Ilang araw na rin ba? Nasa mansyon muna ako habang pinapaalam na kay Lola ang mga magiging plano ko.

"A beach? With your friend Diana?" she repeated.

"Yes lola..."

"Kayo lang bang dalawa?" Bumalik ang tingin niya sa mga dokumentong binabasa.

"Yup. We'll bond."

"No boys?" she asked again, tila ba may pinapahiwatig siya roon.

Umiling ako lalo na't hindi ko pa nasasabi iyon kay Trison. Isa pa, iba naman ang amin. Gusto ko na may bond kami ni Diana na kami lamang, at meron din na kasama si Trison.

"If... let's say... I include a boy, would you let me?"

Her eyes lifted. "Is it a friend?"

"Yes?"

Her brow arched. "Friend? Just a friend?"

Ngumuso ako. "Yes..."

Nagtagal ang titig niya, naninimbang. Nasa pagitan ako ng pinto, halos nakayakap sa gilid, sumisingaw ang ulo at nakatingin sa kanya.

"Introduce him to me next time," she said seriously.

Ngumiti ako at tumango. "Goodnight, Lola..."

Tumango siya at hinayaan na akong umalis. Nasa dulo na ng dila ko kanina na crush. Ngunit hindi naman kami nagmamadali ni Trison, hindi ba? We're taking it slow. So it's okay if we'll, uh... remain friends in the meantime?

Talaga lang ha? Friends don't kiss, Ayeselle.

Papasok na ako sa aking kuwarto nang sumulpot si Abrielle.

"Ayeselle," she called softly.

"Hmm?" Nilingon ko siya habang nag-aamba kong buksan ang pinto ng aking kuwarto.

"Sa swimming pool tayo?" she smiled.

"Sure!"

Kapwa kami sabay na bumaba. Our maid gave us bathrobes to cover ourselves from the cold as we both went out. Nagpautos siya ng drinks habang umuupo na kami sa sun lounger.

There's something about the darkness while watching the calm water in the pool area. Tahimik ang buong paligid at naririnig namin ang kuliglig na nanggagaling sa hardin.

"Naging close mo si Diana?" kuryoso niyang tanong.

"You know her?"

Tumango siya. "Medyo... maldita kasi 'yon. May mga nakaaway siya na kaklase ko rin."

Oh? Sabagay. Hindi na ako magtataka sa bagay na iyon. Palaban kasi siya. Hindi siya nagpapaapi. But I know this time she's nice.

"I also heard she likes Trison so much?" she chuckled again.

String Of Lights (Rebel Series #2)Where stories live. Discover now