Chapter 5

49.4K 1.9K 641
                                    

Harassed

"'Yung usapan natin Lian," rinig ko ang mahinang tinig ng aking team habang naghahanda kami sa pagdating ni Ma'am Hernandez.

"Kami na ngang bahala..." si Lian na pinapatigil ang mga girls sa pangungulit sa kanilang mga boys.

"Turuan niyo lang kasi ng leksyon. Kaya nagmamagaling eh," si Althea na nagawa pang lumingon sa akin.

My brows knitted while I did some stretching before Ma'am Hernandez would come.

"Basta. Kami na ang bahala," senyas ni Lian sa mga babae na tumigil din naman.

I wonder why my sister decided to stop with her dance troupe. Palaisipan iyon sa akin lagi ngunit ayaw niya namang aminin kung ano ang rason niya.

May dumating na isa sa aming team at nagkakamot ng batok.

"Tayo tayo nalang daw muna magpractice dahil may emergency daw si Ma'am," si Annie.

I saw the smirk on the boys' faces as they looked at each other meaningfully. Kahit ang mga girls, nakita ko ang pagtitinginan din nila, at pahapyaw na dumaan sa mga labi ang ngiti habang nakatingin sa akin.

"O ako muna ang sa countings! At titingin ng steps niyo!" presinta ni Edward habang isa isa na kaming pumusisyon.

Sa gilid, hindi naman masyadong malapit sa amin, nasulyapan ko ang grupo ng mga Grade Nine kasama si Trison sa harap at mukhang tinuturuan niya ulit ng Arnis.

I remember the P. E. practice earlier. Nakailang pagkakamali ako na hindi niya pinuna ngunit alam ko, pagkatapos nitong practice para ay hahayaan ko siyang tuturuan ako mamaya.

Lola doesn't mind if I go home late, as long as the explanation is reasonable. Besides, she supports it when it's because of our academics. Ngunit mahigpit ang curfew niya kay Ashtraia dahil alam niyang hindi naman dahil sa academics kaya siya laging matagal umuwi.

"Doon muna tayo mag focus sa flyer, Edward!" mungkahi ng mga boys.

Edward nodded as the boys flocked in front of me with creepy smirk in their faces.

"Position na, Ayeselle," si Cyrus na hinawakan ako sa braso at bahagyang dumulas ang kamay sa gilid ng aking dibdib.

Kumunot ang aking noo. May mga araw naman na aksidenteng nahahaplos ang iilang parte sa aking katawan ngunit hindi ko masyadong pinagtutuunan ng pansin talaga dahil hindi naman iyon maiiwasan.

Tahimik akong pumusisyon habang pumwesto na si Lian sa aking likod. We started counting as we did each of the steps until they needed to lift me. Humawak si Lian sa aking baywang ngunit umakyat iyon sa ibaba ng aking kili kili, ang kanyang mga daliri ay humahaplos na sa aking dibdib.

"Ah... Lian," tulak ko sa kanya at huminto sa halip na magpatuloy.

The girls groaned and looked at me when their countings were interrupted as well.

"Ano na namang problema, Ayeselle?" isa sa mga babae ang nagreklamo.

"Mali ang hand placement ni Lian," lakas loob kong sabi ngunit natawa ang mga boys.

"Ano? Anong mali roon? Saan ba dapat kita hahawakan? Sa pwetan ba ang gusto mo?" tawa ni Lian.

"Baka kasi sa ibang parte niya gusto, Lian," si Niel at nakipag-apir pa sa kanya habang naghahalakhakan sila.

"Ano ba 'yan, 'yung kabilang grupo ang layo na ng nararating sa practice nila. Tayo napag-iiwanan pa rin! Kung ihahalo tayo sa kanila sa finals, baka tayo lang ang palpak!" reklamo ng iilan.

String Of Lights (Rebel Series #2)Where stories live. Discover now