CHAPTER 1

495 26 0
                                    

Faridha's POV

"Pak! Pak!" mag-asawang sampal ang natanggap ko sa isang babae na sopistikada. Napanganga ako... ano ba talagang nangyayari? Gulong-gulo na nga ako nasampal pa?!

"Wala ka talagang kwenta!!" ha? Kanina bigla na lang nag-iba ang mundo ko. Tapos... tapos arghhh!!

Pagtayo ko kanina at bigla na lang akong nanghina. Hindi ko na nga alam kung anong sunod na nangyari ehh! Nagising ako rito sa clinic room. May nakita akong tatlong nurse eh.

'Di pa nga ako nakakabawi dalawang sampal naman ang lalong nagpagulo ng utak ko.

"Ano?! Sagot!!"

"Isang sampal pa nga ante." mukhang naguluhan naman siya sa sinabi ko. Kahit ako nga eh.

"Nurse! Pakicheck nga ulit 'to! Mas lalo yatang nasira ang ulo!!" nagmartsa ito paalis. Rinig na rinig mo pa ang tunog ng stiletto niya sa bawat hakbang.

"Princess, anong araw ngayon?" princess?

"Wednesday, February 6."

"Ha? July ngayon. Saka lunes ngayon Princess." tangina! Ano ba talagang nangyayari?

Alam kong frustration at pagkalito ang mababasa mo sa buong mukha ko ngayon. Kingina!

Hinilamos ko ang dalawang kamay sa mukha.

"Bakit?"

"Are you okay, Princess?"

"Hindi"

"Nahimatay po kayo sa rooftop. Plano niyo na naman po bang magpakamatay?" magpakamatay?! Ang saya ng buhay ko! Tapos sasayangin ko lang?!! Ang saya-saya ko pa kanina eh! 'Yung buwan lang naman habol ko! Ba't nagkaganito?!

"Suicide? Tss! I love my life!"

"Eh? Pang limang beses niyo na po itong ginawa." limang beses?! Sobra na talaga 'to!!

"Wait lang ha? Sino ba 'ko?" nagulat sila sa tanong ko.

"You're Princess Faridha Kyle Alcantara."

Tangina! Kailan pa humaba pangalan ko? Faridha lang walang Kyle!!

"Pwede bang iwan niyo muna 'ko?" nagbow sila sa harap ko. Tulala naman akong nakatingin sa pinto. "Ahhh! Tangina! Alam kong hindi 'to panaginip!! Ramdam ko! Pero bakit naman ganito?! Bakit pakiramdam ko ibang tao ako ngayon?!"

"I'm sorry..." luh? Wala naman akong kasama ah? Unti-unting may nabubuong imahe sa harap ko. The fuck! Totoo ba 'to? Usok na naging tao?
"I'm sorry."

And in the nth time na tangina! Kamukha ko siya! May kakambal ba 'ko?

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now