CHAPTER 21

264 22 0
                                    

Faridha's POV

Pagod na ang mga kasamahan ko pero ni isang tulong wala pang dumadating. Mababa na ang lebel ng kapangyarihan nila. Napagod sila ng sobra sa hand to hand combat.

"Magpahinga muna kayo! Ako ng bahala!!"

"P-Pero"

"That's an order." labag sa loob na umatras sila Anna. Kailangan nila ng pahinga. Peste! Ba't ba kasi hindi sila maubos-ubos? Sumara naman na 'yung portal na pinaggalingan nila kanina!!

I was about to use my power to wipe out them ng may humintong dalawang kabayo sa kanan ko. What the hell? Isahang wipe out na sana iyon! Makakapagpahinga sana kami dahil alam kong mag-iipon ulit sila!

"Sorry to bother you princess. As the leader of this kingdom you need to leave now." nainis ako bigla sa tinuran ng hari. Seriously?! "Kami na ang bahala. Dala namin ang aming mga kawal." mahinahon ang pagkakasabi niya pero naiinis pa rin ako. I don't freaking care!! Sabay silang bumaba ng asawa sa kabayo.

Bumaling ako sa kaliwa at nakita ang sangkatutak na kawal.

"Ikaw ang may kailangan ng tulong?! How lucky we are!!" inasar ako ng anak ng hari at reyna. Nakangisi ito habang gumagalaw galaw pa ang ulo. Tanggalin ko 'yan eh!!

The hell?! Ito na ba ang hinihingi kong tulong sa ministro? Pangit niya namang kabonding!!

"Umalis na kayo princess..." kulang na lang ay umirap ako. Bitch! Ginalaw pa nito ang kamay na sign na pinapaalis kami.

"King! Imposible yatang makaalis sila. Napapalibutan na po ang buong lugar!"

"You're lucky..." kung pwede lang pumatol kanina ko pa ginawa. Wrong timing naman kasi kayo eh! Wipe out na sana. Eh 'di sana wala tayo sa sitwasyon na 'to.

Umatras na lang ako sa dinaluhan ang mga kasamahan ko. Nakaupo sila ngayon sa naglalakihang ugat ng kahoy. Lumabas na rin pala sila ate sa karwahe. Sigurado akong ala-una pa lang ng madaling araw. Kapwa sila pagod at gusto ng matulog.

Nakita ko si Tan na lumabas ng karwahe dala ang isang jug. May baso rin siyang hawak. Bingyan niya kami. Inisang lagok ko lang ang tubig.

Bumaling ulit ako kay princess Joanna na lumiliwanag na ngayon. Hindi ko inaasahang nakatingin 'din pala siya sa akin. Sa mukha niya ay parang pinahihiwatig niya sa aking... WATCH ME!! Matalisod ka sana!

"Princess... 'di na ba tayo tutulong?"

"Hindi"

"Bakit?"

"Mayayabang eh, pagbigyan." tingnan natin kung hanggang anong oras sila tatagal. Baka umaga na hindi pa nila nauubos 'yan.

At dahil nga malaki ang mga ugat nagawa nilang matulog. Pero ako hindi... mas mahalaga ang buhay nila kaysa isiping mapupuyat ako. Para lang naman akong nanunuod ng fireworks sa iba't-ibang kulay na makikita mo sa taas. Mas maganda pa dahil madilim.

Earth kingdom is rich. Ilang beses ng may naghatid ng mga armas. Hindi sila nauubusan ng resources. Pati kawal ay marami pang dumadating. Pinaghandaan na ba nila ang ganitong klaseng labanan?

Inabot na kami ng bukang liwayway hindi pa rin sila tapos. Hindi nauubos ang kalaban. Wala naman akong nakitang portal na nilalabasan nila. Sa'n ba sila galing? Maliban na lang kung merong isa sa kanila na may duplicating power. Magkakamukha eh!! Dapat iyon ang unang patayin para matapos na.

Nagising nang lahat lahat hindi pa rin natatapos. 'Yung mata ko naman gusto ng pumikit.

"Hoy!! Wala ka bang planong tumulong?!" matunog akong ngumisi. Nang-uuto talaga ang babaeng 'to eh. Huwag niya akong sasagarin. Wala pa akong tulog. Hinihingal itong lumapit sa akin ng padabog. "Pagod na kami oh!" halata nga. Nagmukha kang bruha.

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now