CHAPTER 11

332 26 0
                                    

Faridha's POV

"Ilang ulit ko bang sasabihin? Nan posyaga aniya." (I'm not Forsha) ayyy! Ano bang sinabi ko? Kakanood ko 'to ng korean drama eh. Mukhang nalito naman yata ang host sa sinabi ko. Nakakunot noo at tila iniintindi pa rin ang sinabi ko. Tumingin ako sa nanay ko. Masama ang tingin niya saka ako pinaakyat ng stage. May bakanteng upuan sa pwesto nila.

Parang lalaki akong naglakad. Nasa bulsa pa ang dalawang kamay. Pinakita ko pa talagang tamad ako. Lalo na ng paakyat na ako. Kulang na lang belatan ko ang nanay ko. Wala na akong pakialam sa proper etiquette ng mga prinsesa. Naka jeans naman ako kaya pwedeng bumukaka. Hindi din naka straight body.

Ano ba talagang gagawin?! Nakakabanas naman dito!!

"O-Okay? Let's party!!" 'yon lang? Putangina!! Pinapunta ako rito tapos aalis lang din naman pala. Ang gulo naman nila!!

I remembered something... hindi ko yata makita sa loob ang first minister? This is an important event. He's one of the most respected officer and he's not here?! May mali na naman dito. Palagi na lang ba?

Magaling din ang matandang 'yon ah? Una pa lang iba na kutob ko sa kanya.

"Kyaaahhhh!"

"Sunog!!"

The hell? Napatayo ako... sunog? Nagkagulo ang mga babae sa isang side. Ba't naman do'n pa talaga sa mga babae nagkaapoy? Ang titinis ng mga boses.

"Everyone please calm down. Aksidente lang po ang nangyari." nagsikilosan kaagad ang may kapangyarihan ng tubig. Naapula ang apoy samantalang hindi pa rin mapigil sa kakaingay ang mga babae.

Pero mali talaga eh... hindi ko alam pero tumataas ang balahibo ko. Wala man lang kagaya ko ang nakakaramdam na may kakaiba? Bumalik sila sa pagsasaya at nag iinuman pa.

Napaatras ako ng biglang yumanig. May narinig din akong napakalakas na pagsabog. Tumalsik ang napakalaking double door. Anak ng teteng! Sayang 'yong gold!!

Mas naging matinis ang sigaw ng mga kababaihan. Pinalibutan din kami ng sangkatutak na kawal. Pagkatapos mawala ng usok ay nakita namin ang may pakana. A demon! Unlike the succubus mas powerful ang dating nito. Kita ang pangil, may sungay, medyo hindi katangkaran, may mga ulo din ng hayop sa likod niya at sa likod ng mga ulo na 'yon ay maikling pakpak. In short ang pangit niya!

"Yummy! Ang daming babae!" fuck! Parehas kamanyak no'ng nakaraan. Someone tries to attack him pero malayo pa ang atakeng 'yon ay nalusaw kaagad. "No! No! No! I'm powerful than all of you here!" alam ko 'yon. Bawat tingin niya sa babaeng nandito ay para siyang naglalaway.

I know him! One of the seven princes of hell! The demon of lust!! Asmodeus! Anong ginagawa ng prinsepe ng kasamaan dito? Sobra na bang boring ng buhay nila?!

Nagsisilabasan na ang mga demons! Napalunok ako. Ngumisi kasi ang demon matapos tumingin kay ate Farah.

"I see my flavor of the night!" dumila pa ito sa labing makapal! Nakakakilabot ang mga ulo sa likod niya! Parang gumagalaa eh! Kakaibang itsura. Wala bang gwapong demon?

Naalarma ang lahat ng humakbang ito. The bodyguards were thrown away. Wala silang panabla dito. Isang malakas lang na hangin ay nagkaroon ng daanan sa gitna. Diretso ito sa pwesto ni ate. Kapag nakalapit siya siguradong mawawala kaagad siya. Habang dala si ate. Hindi pa naman ako sobrang masama. Kaya kong pigilan 'to.

"Wow! A prince of hell." sinabayan ko ito ng palakpak. Nakuha ko ang atensyon niya which is plano ko.

"Finally! Someone knows me! Great!"

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now