CHAPTER 3

400 26 0
                                    

Faridha's POV

"Marami pa rin akong tanong."

"Go on."

"Bakit kamukha natin 'yung katawan na pinanggalingan ko?" nag-iwas siya ng tingin. May mali ba sa sinabi ko?

"A-Ahh baka nagkataon lang." okay? "Kakaiba ang ugali mo sa 'min bunso. Kaming tatlo ay pare-parehas. Magtataka sila."

"Eh 'di magtaka, pake ko?"

"Kaming tatlo... na-inlove kami sa isang lalaki."

"Pwe!! Kaya naman pala sama ugali niyo eh. Mga malandi."

"Hoy! Pasalamat ka hindi kita kayang batukan ngayon!"

Pero talaga... ang cringe yata kung magkikita-kita kami 'no? Magkakamukha? Ehhhh! Tinatayuan ako ng balahibo!

"Kahit magsabay pa kayong tatlo."

"Pagtatawanan ka talaga namin kapag lumabas ka mamaya!"

"Galit na 'yan? Kanina lang umiiyak ka pa. May kasama pang sipon."

"May tanong ka pa ba? Kung wala na aalis na 'ko."

"Kapag hindi ko natapos ang misyon may susunod pa ba sa 'kin?"

"Wala na. Kaya sana naman matapos mo." sheeeshh! Deserve ko ba 'to Lord? Grabe namang binigay mo sa 'king pasanin oh!

"Good luck sis!" after no'n bigla na lang siyang naglaho.

Ang kaninang luha na pinipigilan ko ay tumulo. M-Ma? Pa? Kumusta kayo? Dapat pala hindi na muna ako umakyat ng rooftop. Eh 'di sana nakita ko kayo bago nangyari 'to.

Sa gitna ng page-emote ko bumukas ang pinto. Pumasok doon ang napakaraming tao. Huling pumasok ang tatlong nurse na kasama ko kanina. Ang dami naman yata nila?

"Nurse okay na ba 'yan?!" grabe sa 'yan?! Ano?! Napulot lang sa kangkungan? Masama kong tiningnan ang totoo kong nanay kuno.

"Wala naman pong mali sa katawan niya. Sa memorya po siguro meron, Queen."

"What?!"

"Pathetic." nagtawanan sila dahil sa sinabi ng isang babae. Pinagmasdan ko ito...

"Wow! Nahiya naman ako..." natatawa kong bulong.

"See? Abnormal na yata 'yan mommy!!" mommy?! Ibig sahihin kapatid ko 'yan?!

"Faridha!! Kailan ka ba titino?! I smirk. Tutal sa kwento ni Kyle... Kyle na lang itawag ko sa kaniya. Kaysa naman Faridha baka malito kayo. Tutal sa kwento niya mukhang nakakadiri ako sa paningin nila. Mas gagalitin ko pa sila. Para naman iwasan at hindi nila ako istorbohin.

"Hindi ka sasagot?! Lagi mo talaga kaming pinapahiya!!"

"Kailan ako titino? Mmmm mauna ka muna." nanlaki ang mga mata nila. O bakit? Kaloka! Ibang tao yata kaharap nila ngayon!

"How dare you talk back?!"

"Nanghihingi ka ng sagot 'di ba?"

"Where's your respect?! I'm your mother!!"

"Really? Hindi ko feel." napuno ko na yata ng gasolina utak niya. Konti na lang sasabog na siya sa sobrang pula ng mukha niya.

"Sana hindi na lang kita binuhay!!" masakit din pa lang marinig? Kailanman hindi ako nasigawan ni mama. Matagal bago ako nakasagot. Nag-iisip ako kung ano bang pwedeng ibalik sa kaniya. 'Yung masasaktan din siya.

"Sana nga eh... bakit ako pa 'yung tinira mo? Bakit hindi na lang sa tatlo pa? Ay mali... mabuti ngang pinatay mo sila eh... kasi wala kang kwentang ina."

Napaatras siya sa sobrang gulat. This time ako naman 'yung tumayo at hinarap siya.

"Ang galing mong manumbat 'no? Sobrang galing... sa sobrang galing pati sarili mo hindi mo makita."

"How dare you!! Wala kang alam!"

"Walang alam?! 'Yan ang alam niyo!!"

Mabilis na kumilos ang babae which is 'yung kapatid ko. May lumabas na ilaw sa kamay niya at tinutok sa akin. Magic!!

Hindi tuluyang tumama ang liwanag na iyon. May pumalibot sa aking tila shield.

We will protect you lil sis!!

Mga ate?! Napangiti ako...

Salamat

"K-Kailan ka pa n-natuto?" ewan... hindi naman ako ang may gawa.

"Think of this Queen... bago ka manumbat, matuto ring tingnan ang sarili ah? Napapahiya ka eh."

Dumaan ako sa gitna nila. Gamit ang dalawang kamay tinulak ko sila para makaraan ako.

Pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang maraming estudyante.

Tss! Uso rin pala ang mga chismosa sa mundong 'to.

Pwes! Bukas na bukas ibang version na ang makakaharap nila. Version 4.0

REINCARNATEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang