CHAPTER 34

239 20 1
                                    

Faridha's POV

Papunta na kaming kampo kung saan dinala ang mga bata. Nanatili akong tahimik habang nag-uusap naman si lola Clara at Erebus.

Alam niyo bang tinitigan niya lang ako kagabi? I'm hoping na papapasukin niya ulit ako sa kwarto niya para doon matulog. Pero umasa lang ako! Naghintay pa naman ako na humingi siya ng sorry tapos sasabihin niyang pumasok na kaming dalawa. Puta! Nakakasama palang umasa.

"Ang tahimik ng prinsesa, may ginawa ka ba sa kaniya?"

"E-Eh? Si lola naman."

"Mukhang meron nga."

Medyo nauuna ako sa kanila ng kaunti, ngunit naririnig ko pa rin naman sila. Ewan ko ba kay lola kung bakit sumama pa. Pilit namin siyang sinasabihan na magpa-iwan pero ayaw.

I stopped walking when I saw a cave. Ito na ata...

Maraming nagbabantay sa entrance ng kweba. Nasa loob yata ang mga bata.

"I've already checked the area yesterday. Makapasok man tayo sa entrance may sasalubong ulit sa ating sampung bantay. And another ten guarding the children." How did he? Pumasok siya? Nakakapagtaka naman. Sobrang dilim sa loob ng kweba. "Lola, maiwan ka po dito. Kami na lang ang papasok." Tumingin siya sa akin na ikinaiwas ko naman. Hanggang ngayon nakatago pa rin ang mukha niya sa akin.

Sumenyas siya na sumunod sa kaniya. Sumunod ako at nagpadausdos kami pababa. Mataas kasi ang lugar na nilakaran namin at nasa baba ang kweba.

Nagsilaglagan ang mga maliliit na bato kaya naalarma ang kalaban. Nilabas ko kaagad ang kutsilyo na nakasiksik sa cargo pants ko.

Yumuko ako sabay patid sa paa ng isa. Natumba ito kaya sasaksakin ko na sana ng maunahan ako ni Erebus. Ginilitan niya ito sa leeg. 'Di wow!

Naubos namin ang bantay kaya nagmamadali kaming pumasok ng kweba. Sa labas lang pala madilim tingnan. Ngayong nasa loob kami ay may mga sindi naman pala.

Ako na ang nag-asikaso sa mga bata. Tinanggal ko ang mga kadenang nakapulupot sa kamay at paa nila. Hindi na ako nagabalang gumamit ng susi. Matatagalan pa ako.

Nagpulasan ang mga bata habang ang iba naman ay inalalayan ang mga nanghihina. Dang!

Lola Clara?! Ehh? Iniwan namin siya sa labas 'di ba? Bakit nakagapos...

Sino 'yung kausap ko at kasama namin ngayon?

Fuck! Mabilis ko itong kinalagan. Wala siyang malay kaya kinarga ko ito. Lumabas ako ng kweba at hinihintay na pala nila ako.

"Bakit ang tagal m--" hindi na natapos ni Erebus ang dapat niyang sabihin. "Lola Clara?!!" Kinuha niya sa braso ko ang matanda.

Tumingin ako sa likod ngunit hindi ko na makita si Lola Clara. Putangina! Impostor ang nakasama namin!

"Kailangan na nating bumalik."

"Inuutusan mo ba 'ko?"

"Just please," ngumiwi ako. Kinumpas ko ang kamay sa ere kaya nagsilutangan ang mga bata kasama na si Lola Clara. Nauna na akong tumakbo habang nakataas pa rin ang kamay. Kapag binaba ko, mahuhulog sila.

Walking distance naman ang layo pero tinakbo pa rin namin. Nakarating kami kaagad.

I can't believe it! Fucking shit!

Sakto pagkadating namin ay nagbabago ang mga anyo ng mga taong kagabi at kanina ay kausap ko pa. Fuck! Hindi ko inaasahan ang ganito.

Nakangisi sa amin ang matanda na kanina ay kasama pa namin sa pagligtas sa mga bata. They fucking made me not a princess. Pinagmukha nila akong tanga! Ano na lang sasabihin nila? Na mahina ako kahit prinsesa dahil hindi ko sila nahalata?

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now