CHAPTER 26

303 25 0
                                    

Faridha's POV

"Drix! Kill them!" kanina pa ako naiinis kay Drix. Imbes kasing patayin niya na pinaglalaruan pa.

"I want to play missy!!" inis ko siyang sinipa sa pwet. Punyeya niya!!

Nakuha niya ang ugali ni Hades. Napakapilyo...

Naupo na lang ako imbes na makipaglaban pa. Kayang-kaya niya naman niyang ubusin 'yan. Sa isang atake lang.

Pinatong ko sa tuhod ang dalawang siko at pinatong ko din ang mukha sa palad. Pinanood ko siyang parang bata na naglalaro lang ng laruan.

Papaliparin niya sisipain pababa. Oh 'di ba? Siya lang din naman napapagod. Napailing-iling ako.

I was shocked when a black light wiped out the demons. Fuck! Who the hell is that? Bumaling ako kay Drix... hindi siya 'yon. Hindi gano'n ang kapangyarihan niya.

"Why so mad Luci? 'Di mo man lang kami tinirhan!!" so it's Lucifer? Anong pumasok sa kokote niya?

Lumapit si Drix sa akin na nakabusangot ang mukha. Nakanguso at parang bata na magsusumbong sa magulang.

"Damn that man!"

"Bakit?"

"I'm enjoying missy!!"

"I told you right? Just kill them and stop playing." napalitan ng ngisi ang nakabusangot nitong mukha. Ano na namang pinaplano nito?

"I gotta go."

Tumango ako. "Mmm... take care." pumikit ako ng halikan niya ako sa noo. He always does that. Nasanay na ako.

He waved his hand before vanishing. Ako naman ay naiwang nakatulala.

"Princess..." bumaling ako sa likod. Nakahawak na naman ang bata sa damit ko. Hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang pangalan niya.

"You're beautiful po." aba! Tinuruan ng maganda ang bata. Ngumiti ako bilang pagsang-ayon. Hawak ko ang kamay niya ng maglakad ako. Sumusunod lang ako kila Tan.

Madaldal ang bata kaya pilit kong sinasabayan ang pagiging madaldal niya. 'Di siya nauubusan ng tanong. Sabi nga nila ang bata daw na palatanong ay matalino.

Binitawan ko siya ng makarating kami sa library. Kagaya noon nandito na naman ang malaking table.

Kumunot ang noo ko ng makita ko kung sino ang nakaupo doon at tila hinihintay kami.

Where is that man? Ba't itong punyeta na 'to ang nandito?

Yumuko sila ng makalapit ang mga hari't reyna. Nanatili akong nakatayo sa gilid malayo sa kanila. Pero naririnig ko pa rin ang mga usapan nila.

"We need to go there as soon as possible."

"Bakit naman?"

"They're not ready. It will be a big surprise to them."

Ano bang pinag-uusapan nila? Mahina akong naglakad.

"You mean... killing them in their world?"

"Yes, headmaster."

"Hindi kaya delikado?"

"Nope, hindi sila handa."

"What's your decision king?"

"Mmmm... that's right. Lulusob tayo." nakita ko ang pasimpleng pagngisi ng punyeta. Mukhang alam ko na ang pinag-uusapan nila.

"Walang lulusob!" galit akong lumapit sa kanila. "'Di ba kayo nag-iisip?" masama akong nakatingin kay papa.

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now