CHAPTER 15

307 23 4
                                    

Faridha's POV

Umuwi ako ng kingdom namin. Absent muna ako. Matapos kong mabasa ang mga impormasyon sa libro... gusto kong makita ang kwarto sa bahay na naglalaman ng mga historical equipment. Baka may makita lang naman ako.

Hindi na rin ako nagpaalam kila mama. Baka hindi ako payagan. Hindi pa naman kami bati. Yumuyuko ang bawat bantay at katulong na nadadaanan at nakikita ko. Nagtataka rin ang mga mukha nila. Oras ba naman ng klase nandito ako. Iisipin nilang nagbubulakbol ang isa nilang prinsesa.

"Restricted, only an authorized person can go." basa ko sa taas ng pinto. Sa magkabilang gilid naman ay may dalawang bantay. May mga hawak pa itong mahahabang sandata na kung tawagin ay harpe. May simbolo rin itong kidlat sa hawakan. Zeus kingdom nga.

Yumuko sila ng makita ako. Pinagbuksan na rin nila ako ng pinto. Tanging kami lang yata talaga ang makakapasok dito.

Puro alikabok ang naabutan ko sa loob. Puro libro, sandatang sira, paintings, at iba pa. Pero nakaagaw sa pansin ko ang isang bagay na malinis tingnan. Mukhang alagang-alaga ito.

Mga lalagyan ng babies? Kanino naman 'to ginamit?

"Felise Alcantara, Faridha Kyle Alcantara, Faridha Alcantara." nakaukit ang pangalan naming tatlo sa lalagyan. Effort ah? Alam ko na kung para saan 'to... dito kami nilagay matapos ipanganak. Nakaraan na lang talaga kami. Pinahid ko ang isang luha na nahulog mula sa kaliwa kong mata.

Wala naman akong masyadong nakitang kakaiba. Pero sinuyod ko pa rin ang kwarto hanggang makarating ako sa pinakadulo.

There was a book covered in dust. Kulay brown ito at may titulong "Untold stories" walang author. Dala ang libro naghanap ako ng mauupuan. There's no available chair kaya naman sa may pinto ako naupo. Sa mismong sahig.

"The Lightning Kingdom had many secrets for over a thousand years. I'm the daughter of Zeus and Demeter. My name is Flora. Ako ang pinakaunang naging reyna sa dito. I lived for over a thousand years." Flora? Matagal din siyang nanirahan dito. Goddess ba naman! Immortal. "Living for a thousand years with only guards, maids and people around you is boring. That's why I waited for the right one." gagi!! Love story pa yata 'to!! "Until I met him. Felipe Alcantara." Alcantara?!

Napaisip ako ng kaunti. Posibleng siya ay ninuno ko. "I'm a goddess and he's mortal." mortal?! Galing ang lalaki sa mundo ng mga tao?! "Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa mundo namin pero hindi ko na iyon pinansin. Nag-ibigan kami na nauwi sa kasalan." umibig siya sa mortal... pwede ba 'yon? "Nagkaroon kami ng anak na lalaki. Philip Seymour Alcantara ang pangalan niya." tangina! Si papa?! It means immortal din siya!! Kasi kung hindi matagal na siyang patay. "Everything seems right. My child grows so fast. Nakahanap na siya ng mapapangasawa. Si Filomena Alcantara. She's also a goddess. But I don't know who her parents are." sorry po!! Akala ko ninuno ko kayo! Lolo't lola pala!!

"My husband died. Kasabay noon ang nangyaring digmaan sa pagitan ng mga anghel. As a goddess I need to help the good angels." woah! So much informations! Masakit sa brain. "My son, Philip helped me too. Pero nagkamali rin kami ng kinalaban. Kasama pala ng mga fallen angels si Cronus." kingina! Anong laban nila Kay Cronus?! Buti sana kung tumulong sila Zeus, Poseidon at Hades! "The only way to defeat them... a goddess needs to sacrificed herself." maraming nakalahad na ibang istorya pero I skipped it.

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now