CHAPTER 32

238 20 2
                                    

Faridha's POV

I'm busy reading the papers. Tinalaga ako ni papa sa defense. Which means ako ang namamahala pagdating sa pagprotekta ng kaharian namin. Masakit na din ang kamay ko sa dami ng pipirmahan.

Hindi naman ako pumayag na mapunta sa akin ang trabahong 'to. Sadyang bumaba sa pwesto si kuya Frederick, ang panganay. Alam niyo kung bakit? Kinasal sila ni pangit. Kilala niyo pa ba siya?

Si princess Joanna. Ang palagi kong kabardagulan. 'Yung nakaaway ko noon.

Tiningnan ko ang oras sa dingding. Fuck! Late na ako ng ten minutes. Birthday kasi ngayon ng panganay nila kuya. Ika-unang birthday.

Wala akong nagawa kundi ligpitin ang mga papeles kahit marami pa akong kailangang pirmahan. Dalawang patong pa ito. Peste! Sa dami ng kapatid ko sa akin pa 'to napunta.

'Di na ako nag-abalang mag-ayos. Mula kaninang umaga pa naman nila ako hindi nakikita. Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ang isang katulong. I think she was about to knocked pero naiwan sa ere ang kamay niya.

"A-Ahh prinsesa pinapatawag na po kayo." tumango ako. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Diretso akong bumaba at sa loob pa lang ay rinig ko na ang kasiyahan. Well it's a pool party. Mula ng magpatayo ako rito ng swimming pool ay hindi na nila nilumbayan. Unang nakakita sa akin ay si Felise. May hawak itong wine glass.

"The star of the night is here!!" I rolled my eyes. Nagsilingunan silang lahat sa akin. Nagbeso ako sa kanilang lahat.

"Faridha baby, palagi ka na lang nagtatrabaho."

"Kasalanan ni papa."

"Why me?" hindi na lang ako sumagot pa. Hahaba lang ang usapan. Paulit-ulit din ang topic.

Karga ni kuya ang anak na tila inaantok. Ngunit ng makita ako nito ay biglang nag-iba ang mood.

"T-Tata!" huh? Nagsalita? Lahat kami gulat. Ang alam kong uh, ah, palang ang alam niyang sabihin. Tapos ngumingiti pa lang lang siya.

"My granddaughter just called you!"

"Tata! Tata!" nakaturo ito sa akin at gustong magpakarga. Lumapit sa akin si kuya dahil hindi na kinakaya ang likot ng anak.

Kinarga ko naman ito.

"Tata..." tita ba ang ibig sabihin niya? Nakakunot ang noong tiningnan ko siya. Nakatitig din ito sa akin habang paulit-ulit sinasabi ang tata.

"Ang daya naman! Mama, papa tinuturo namin diyan tapos tata ang sasabihin?"

Nakabusangot ang mukha ng mag-asawa.

"Ikaw na nga pinaglihian ko, ikaw pa ang first word?"

Totoo, ako ang pinaglihian niya. It was the most traumatic months of my life. Hindi niya ako tinitigilan. May time na tinaguan ko siya. Ang gaga! Nagwala sa sala!

"At ikaw pa ang kamukha." kasalanan ko ba?

"Tata!" kung hindi lang 'to bata malamang napatulan ko na. Nagpaputok ba naman ng laway sa mukha ko. Shower yarn?

Natatawang pinunasan ni Joanna ang mukha ko.

"Pangit mo!"

"Bitch!"

"Sa harap talaga ng anak mo?"

"Hindi pa naman niyan maririnig."

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now