CHAPTER 7

358 27 2
                                    

Faridha's POV

I admit malakas nga siya. Halos malibing ako ng four feet na lalim. Nakangiti kong pinagpagan ang dalawang braso. Umaapaw ang kapangyarihan sa katawan ko ngayon. Para bang masaya ito dahil may gumagamit ng maayos sa kaniya.

Pero may pakiramdam akong hindi pa ito ang pinakamalakas na nakalaban ko. Although... wala naman akong kaaway sa mundo namin.

"Yah! Hindi ka na ba talaga aatras?!" sinigawan ko ang demon na natigil sa kakatawa.

"No! Never! Well unless you know the name of the fallen angel who granted my wish! Hihihihi!" kapag sinabi ko ba tapos na? Tumingin ako sa paligid... ayaw ko namang marami pang madamay pa. "Hindi mo alam 'yon! At kahit isa sa inyo! Walang itinuturong ganito rito! Hihihihi!" malas ka!

Pero baka magmali rin ako. Ang dami kayang fallen angels!! Ano?! Iisa-isahin ko pa? Kung ganito kalakas ang power niya posibleng isa sa seven princes of hell.

"Satan." gotcha! Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa akin.

"H-How?!" hindi na siya nakapagsalita pa. Mukhang kumati ang buo niyang katawan. Kamot siya nang kamot eh. Unti-unting nasusunog ang balat niya. Mula sa sungay hanggang paa. Ang pakpak niya naman ay mabilis na nabutas. Tila ba may tunaw na bakal na binuhos sa kaniya. Bago siya tuluyang mawala ay rinig namin ang paghihirap niya.

Naging abo siya sa ere. Parang bampira na napatay.

If the people around here don't know about the fallen angels... sino ang kinikilala nilang kalaban?

Wow! I want to get my revenge... pero inisip ko pa ang mga taong pwedeng dahilan ng pagkamatay nila ate.

Mabagal akong umakyat sa butas kung saan ako nahulo kanina. Gusto kong malaman lahat ng impormasyong kailangan ko. Alam ko ring mahihirapan akong kumilos. Ngayong nag-iba ako sa paningin nila paniguradong bantay sarado ako.

Tumingin ako sa building... sira ang bubong nito. So saan kami nito papasok? Baka naman ako ang paayusin niyan?! No way! Lalayas na lang ako!

Nakapamulsa akong naglakad. Kaso nga lang nakaipon silang lahat sa dadaanan ko. Lumipad na lang kaya ako? Parang ang sama ko naman yata kung aalis ako ng wala man lang paalam?

Tumikhim ako. "I'm sorry for the mess." tiningnan ko mata sa mata ang headmaster.

"Y-Yeah! A-Ahh can you remove your power?" right. Hindi ko pa nga pala inaalis ang liwanag na nakapalibot sa akin. Lalagpasan ko na sana siya ng bigla siyang magsalita. "Paano ka nagkaroon ng ganoong kapangyarihan?"

I shrugged. "Hindi ko din alam eh." that's the truth. Kusang lumalabas sa katawan ko iyon.

"Do you know that demon?"

"Am I not supposed to know her?"

"Y-Yes."

"Succubus. She is a succubus." napanganga ito sa tinuran ko.

"H-How?" gaya kanina tinaas ko lang ang dalawang balikat ko. Kusa akong binigyan ng daraanan ng magsimula ulit akong maglakad. Umiiwas ba sila o nandidiri?

Pupunta akong library ngayon. Gusto kong makita kung ano ba talagang mga itinuturo dito. Baka mali mali. Malilintikan kaming lahat.

Naabutan ko sa front desk ang isang matandang babae. Bookkeeper yata...

Tinignan niya lang ako pagkatapos ay naupo ulit siya. Luh? Hindi ba ako maglilista ng pangalan ko? O hindi niya man lang kukunin ang id ko? Weird!

"Your Majesty, nandito na po siya." gago naman 'to si kuya!! Bigla na lang sumusulpot!!

Napahawak ako sa dibdib ko. Wooh!

Bago ka makarating sa mismong mga shelves may malaking espasyo muna. As in malaki! Walang kahit na anong nakalagay sa espasyo kaya ang linis tingnan.

Napairap ako ng sumulpot ang malaki at napakahabang lamesa sa unahan ko. Sa magkabilang dulo nakaupo ang king and queen of hearts charot!

Sa dalawang sides naman nakaupo ang mga taong nakita ko kanina bago ako pumunta dito. Kasama na sa mesa ang headmaster. May meeting yata sila. Hindi ako kailangan dito. Mauudlot muna ang aking pagbabasa.

"Sit here, beloved daughter." ano daw? Beloved daughter? Isa na yata 'yang nakakatawang statement sa buong buhay ko.

"Beloved daughter?" I chuckled. Iiling-iling akong naupo sa bakanteng upuan. Pakaupo ay medyo inatras ko ito para para maka upo ako ng pandekwatro.

"Proper etiquette please." inirapan ko lang ang queen.

"It's my first time joining this kind of meeting... Anong masamang damo ang nakain niyo at sinama niyo 'ko ngayon?"

"Quite!!"

"What do you want king?"

"You're not calling me dad?!"

"I thought you don't want me to call you dad?"

"Shut up!!" mga teh! Takot kayo sa taong 'to? Hindi naman nakakatakot ah? Nakakatawa nga. At mukhang nagalit ko nga yata.

Yellow light? Geeezz lightning!!

"Your majesty! Please calm down!!"

"Daddy!!"

At nakakalipad din siya? I smirk... ang pikunin niya naman!!

"Tuturuan ko lang siya ng lesson. Don't worry!" talaga lang ha?

Parehas na kaming na sa taas ng mesa ngayon. Kaso nga lang magkaiba kami ng pwesto. Para akong isang Buddha ngayon.

"Shocked? Your beloved daughter is lifting herself."

"Can you please stop! Merong mas importanteng dapat asikasuhin okay?!" tumayo ang headmaster at galit kaming tiningnan. "Please!!"

Bumalik ako sa pagkakaupo. Matamlay ko silang tiningnan.

"Napagod ako kanina. Pakibilisan naman." walang galang ko pang kinuha ang orange sa mesa at binalatan ito. "What?" sabi ko pa habang puno ang bibig.

"Your not Forsha Alcantara." may conviction sa boses ng headmaster. Ngumisi ako. May nakakahalata pala?

"Forsha Alcantara is dead. Ten years ago." gulay silang tumingin sa akin. Gulat at takot ang nakikita ko sa mata nila.

"And who the fuck are you?!"

"Multo niyo."

"Sumagot ka ng maayos!!" ako pa talaga ang sasagot ng maayos?

"Long long time ago... quintuplets were born. One boy and four girls." masama ko silang tiningnan. Nanginginig ang kalamnan ko. Gustong-gusto ko silang saktan. "The two remains and the three were killed." I tapped my fingers on the table.  "Forsha Alcantara's soul lived in this body for ten years. Felise Alcantara's soul for three years. Faridha Kyle's soul for four years." horror was seen on their faces. "Kilala mo na ba ako headmaster?" satisfying. Kulang pa kulang pa!!

Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakikita ang pagsisisi sa mukha niyo!!

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now