CHAPTER 12

336 27 1
                                    

Faridha Kyle's POV

I'm shocked. Literally shocked of her sudden outburst. Hindi ko inaasahan 'to. Akala ko okay na... tanggap niya na. 'Di pa pala. Seeing her crying makes my knee weak. I want to hug her but I can't.

Naiiyak ko siyang pinagmasdan. Tunatakbo siya palabas ng venue. I feel sorry tuloy. Pero wala naman akong magagawa eh.

"Gusto kong manakit... kaso hindi kaya." gigil na sabi ni Felise. Masama pa siyang nakatingin kila mommy and daddy. "Gusto ko na ring idamay si Ate Farah. Sarap tirisin ng gaga." nagkunwari pa itong may tinitiris sa ere. Nakurot tuloy siya ni Forsha sa tagiliran.

"Everyone! Tapos na ang party!! Magsiuwi na kayo!!" pumalakpak pa 'ko. Nauumay na ako sa itsura nila. Para kasing naghihintay pa ng sunod na kabanata.

"Bunganga mo Kyle!"

"Shut up Forsha! Nakakasawa pagmumukha nilang lahat."

Inirapan lang ako nito. Siya talaga ang pinakamataray sa aming lahat.

Nakalutang akong pumunta sa harap ng pamilya ko. Oo nakalutang! Remember multo na kami!

"Pathetic... hindi na siguro talaga kayo magbabago 'no? Lalo ka na Farah. Sagad na sagad sa buto 'yang kayabangan at kaselfishan mo." ginamit ko ang galit kong boses. "At kayo naman, " baling ko sa mga nakakatanda. "Tama 'yong sinabi ni bunso eh, wala kayong kwentang magulang." akma akong sasampalin ni mommy ng mabilis akong magsalita. "Ooopss! Walang tatamaan 'yan." pang-aasar ko pa. "Ang tataas talaga ng pride niyo. Alam niyo na ang totoo sa likod ng pagbabago niya... hindi ko naman inaasahang hihingi kayo ng sorry." 'yung sinabi kanina ni bunso hindi naman 'yon mangyayari.

"Lalo ka na mommy... ikaw na nga ang may malaking kasalanan ang taas pa ng tingin mo sa sarili. Bakit gan'to kayo?" kita ko ang biglang pagdaan ng lungkot at pagsisisi sa mata nila. "Mag-iingat kayo ah?" huling bilin ko pa bago pinalaho ang sarili.

Alam kong siya na ang tatapos. Ayos na ako ng makita ko ang katiting na pagsisisi nila. Ayos na 'ko.

Faridha's POV

Sa pagtakbo ko nakarating ako sa is ang hardin. Sobrang ganda, maraming bulaklak, berdeng damo, mga bubuyog, ibon na nagkakantahan at malalaking puno. Umupo ako sa isang ugat na nakalabas.

Tila nawala lahat ng sama ng loob ko. Ganitong-ganito ang itsura ng hardin namin. Parang nasa probinsya lang. Ang sarap pumikit at amuyin ang preskong hangin. Nakakarelax.

"My mate cried earlier." nagulat ako ng may mainit na hangin sa kanang tenga ko. Sa bilis ng reflexes ko napabaling ako. Fuck! My nose and his nose touched. Mabilis ko siyang tinulak. Tangina! Kung makalapit sa akin parang friends kami ah? Nag-iinit ang pisngi ko kaya kunwari'y hinawakan ko ito at bumusangot. "I can kill them for you." nawala lahat ng kulay sa mukha ko.

"Kung makipagusap ka parang close tayo ah?" tinaasan ko siya ng isang kilay. Ngumisi naman ito at nilapit ang mukha sa akin.

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now