CHAPTER 19

296 22 0
                                    

Faridha's POV

"Malayo pa ba Tan?"

"Opo eh!"

Nakasakay kami ngayon sa karwahe. Papunta kaming Earth kingdom. Kaninang umaga pa kami umalis pero tanghali na hindi pa rin kami nakakarating.

Humingi rin ako ng tulong sa punong ministro. Sabi ko siya na ang bahalang gumawa ng paraan para hindi kami hanapin ng ilang araw. Maybe... sasabihin niyang binigyan niya kami ng mission. Pwede din iyon.

Isa lang ang gamit naming karwahe. Sobrang laki nito kaya kasya kaming lahat. Benteng kabayo ang humihila sa amin. Kaya medyo mabilis ang takbo ngunit matagal pa rin dahil sa layo ng pupuntahan namin.

"Nakakangalay umupo." ngumuso si Anna. Tama naman siya. Umuuga-uga pa... masakit sa pwet.

"Sobrang layo naman ata Tan?"

"Gano'n talaga Laura. Lalo pa't sa labas kami ng Earth kingdom nakatira. Malayo sa mismong kaharian."

"Sa pinakagubat ba kamo?"

"Oo"

So malayo sila? Okay na rin iyon. Mas presko ang hangin. Walang katoxican.

Sumilip ako sa labas ng biglang tumigil ang karwahe. Rinig ko din ang ingay ng mga kabayo sa labas.

"Don't move. 'Wag kayong susunod." napakatahimik... pero mas nakakatakot kapag tahimik. Bumaba ako at tiningnan ang bawat anggulo ng paligid.

Wala akong nakita. Puro damo at halaman ang nandito. Tumingala naman ako... nagtataasang puno at may mga bamboo pa. Naglakad ako papuntang unahan ng karwahe. Okay naman ang benteng kabayo. Walang sugat at hindi hinihingal.

Ba't kayo tumigil? Not until I felt something's wrong. Sa taas!!

Doon ko nakita ang mga taong nakaitim. Nakakahanga!! Parkour sa bamboo?! Marami sila at tumatalon-talon. Palipat-lipat!

Ninjas! Black mask at puro nakaitim. May nakakabit ding espada sa bewang nila. Sila ba ang nakita ng kabayo?

Parang wala lang sa kanila ang taas ng tumalon sila sa lupa. Bilang lang ang bumaba sa kanila. May naiwan pa sa taas.

"Anong ginagawa ng binibini rito?" lumapit sa akin ang isa. Dalawang metro lang ang layo namin sa isa't-isa.

"Dadaan lang ho kami. Walang kaming masamang intensyon."

"Pero hindi namin batid ang inyong pagdating."

Kailangan ba ng permiso bago dumaaan dito? Walang sinabi sa akin si Tan.

"Kailangan ba ng permiso?"

"Hindi naman. Pero makakaalis lang kayo kung ibibigay mo ang dala niyong pera at pagkain." hindi sila ninjas. Mga bandido sila.

"Hindi pwede. Malayo pa ang pupuntahan namin. Kailangan namin iyon."

"Pwera na lang kung pipilitin namin 'di ba?"

"Huwag niyong subukan."

Sumenyas siya... lahat ng nasa taas kanina ay nagsitalunan na rin. All their swords point at me. Walang tabla ang espada sa taong may kapangyarihan.

I made the temperature cold. Pumalibot ang kulay asul na usok sa akin.

"Boss atras! Royalty 'yan!!" nagsiatrasan sila. Pero hindi sila nakaligtas sa akin. Pinayelo ko ang buo nilang katawan. Hindi pa sila patay. Kailangan lang nilang mainitan para bumalik sa dati. Para tuloy silang estatwa.

REINCARNATEDМесто, где живут истории. Откройте их для себя