CHAPTER 48

149 12 2
                                    

Faridha's POV

What day is it? It's been three days after that day.

Nagkatotoo nga na huling saya na iyon ng lahat. Nawala lahat ng pinanghahawakan ko. Nawala lahat ng rason ko para lumaban.

My father and my mother died in front of me. In front of us. I saw how their bodies burned into ashes. I saw how they looked at me while whispering those comforting words to me, to us.

Nabigla ako sa mga pangyayari. Hindi ako nakagalaw. What happened to the woman in the prophecy? She's the hero! The one who will save this world. But how come she just stood there and watched everything?

Wala akong nagawa! Hindi ko man lang masabi sa kanila na may pumipigil sa akin sa oras na iyon.

"Lie low ka muna ngayon. Huwag ka munang magpapakita sa kanila please!"

Mariin kong pinikit ang mata ko habang pinipigilan ang sarili na humikbi.

"Galit sila! At walang mangyayaring maganda kung sasabayan at magpapakita ka sa kanila!"

I tried, I tried to explain everything to them. Pero, ni isa sa mga salita na nilabas ng bibig ko wala silang pinakinggan.

"P-Pero Artemis!"

"Just listen to me! Please! Para sa kapakanan ng lahat!"

"Hindi ko kasalanan!"

"Alam ko 'yon!"

"T-Talk to them please!"

"Just go!"

Akala ko ayos na. Pero tangina! Naramdaman ko na naman ang ganitong sakit!

Just like the past... tinalikuran nila ako. But this time, alam ko ang dahilan. Sa akin na naman napunta ang lahat ng sisi.

"Just go with the flow. Don't worry about the prophecy, it changed. Walang digmaang mangyayari."

Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko. Wala ng digmaan? The prophecy changed? Ano?! Lahat ng naramdaman ko sa ilang buwan na lumipas wala lang pala?

"Sabi na, dito ka nila itatago."

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, may tao na palang nakahanap sa pinagtataguan ko. Tatlong araw na 'kong nandito. Mag-isa, walang kausap at palaging nalulunod sa mga bagay-bagay.

"Masqui?"

"How are you?"

"Tinatanong pa ba 'yan?"

"Tss! Halatang galing ka pa lang sa pag-iyak."

Nagtanong ka pa. Peste!

"I can't stand living with them. Ang pupurol ng mga utak nila. Ang sarap ilabas sa mga bungo nila."

"What are you even doing here anyway?"

"Sasamahan kita, kahit hanggang hukay pa 'yan."

"Gaga ka ba?"

"Hahaha! I just want to make you smile."

Nakakagaan din talaga ng kalooban kapag may nakakausap sa ganitong sitwasyon.

"Galit silang lahat sa 'yo. Kulang na nga lang eh isumpa ka."

Natahimik ako.

"Muntik ko na nga mapatay 'yung isang kapatid mo."

I sigh.

"Don't be mad. He deserves it."

Tumayo siya saka yumuko ng bahagya para magpantay mukha namin.

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now